
Regine Velasquez pokes fun at her accidental fall; explains why “hindi lalaki ang ulo ko”
Makahulugan ang Instagram post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, na tila reaksiyon pa rin niya kaugnay ng nakasagutang nagpapanggap umanong fan niya.
Nito kasing October 6, 2022, sunud-sunod ang buwelta ni Regine via Twitter sa isang “fan,” na ani Regine ay gusto talagang magkasira sila ng asawang si Ogie Alcasid.
Nag-tweet kasi ang fan tungkol sa recent event na dinaluhan ng showbiz couple.
Habang nagsi-spiel ang mag-asawa, nawalan ng balanse si Regine kaya napaupo sa sahig.
Sinubukan ni Ogie na saluhin si Regine pero hindi siya umabot kaya tumuloy ang pagbagsak ng kanyang misis sa sahig.
Ginawang isyu ito ng Regine “fan” na sinisisi si Ogie at ginawang big deal ang issue.
Buwelta ni Regine, nagpapanggap lang itong fan niya na ang tunay na motibo ay magkasira sina Ogie at Regine, lalo pa’t recently ay may lumabas na isyung nagkakalabuan umano ang showbiz couple.
Related article: Regine Velasquez chides “taong nagpapanggap na concerned”
REGINE SHRUGS OFF THE ISSUE
Ngayong hapon ng Huwebes, October 6, may ipinost na video clip si Regine sa Instagram.
Caption niya rito: “It’s a good thing God has blessed me with a great sense of humour #sigepagtawanannyonaako [laughing emojis]
“I guess what I’m trying to say here is that when you fall down tayu agad teh!!!!!!!!”
Tila nais tumbukin ng singer na may mga pangyayaring di inaasahan, tulad ng pagbagsak niya at hindi na dapat pinapalaki pa.
Sa video, nagbigay ng statement si Regine at inilagay pa ang video clips ng kanyang bloopers.
Sabi ng Asia’s Songbird, “Sa pakiwari ko lang na kahit ba, kunwari lang ba, sumikat pa ako sa buong universe hindi lalaki talaga ang ulo ko, bakit? Kasi laging may ganito…”
Ipinakita ang video nang matumba si Regine katabi si Ogie.
Pagpapatuloy niya, “At siguro kahit ako ang pinakamagandang babae o kahit maging si Darna pa ako, hindi lalaki ang ulo ko, bakit? Kasi nga lagi ding may ganito…”
Ipinakita ang video ng performance ni Regine sa ASAP Natin ‘To na baliktad ang hawak niya ng mikropono.
Read: Regine Velasquez pokes fun at herself on recent mic blooper on TV
May halong biro pa ni Regine, “Not to mention may kulugo. May kulugo, teh, may kulugo, e.”
At ipinakita ang screenshot ng daliri niya—hindi tiyak kung sa paa o kamay—na makikitang may kulugo.
Sa madaling sabi, nais iparating ni Regine na hindi na dapat gawing isyu ang recent na pangyayari.
News Philippines today at https://philtoday.info/