Raquel Pempengco longs for Jake Zyrus’s emotional support after losing another brother

May panibagong dagok na dumating sa buhay ni Raquel Pempengco, ang ina ni Charice na kilala ngayon bilang Jake Zyrus.

Sumakabilang buhay ang panganay na kapatid ni Raquel na si Rey Relucio kahapon, July 14, 2022. Pumanaw si Rey dahil sa kanser sa atay.

Masakit ito para kay Raquel dahil hindi pa siya nakaka-recover mula sa magkasunod na pagkamatay ng kanilang ina na si Tess at kapatid na si Robert noong April 3 at April 6, 2022, respectively.

Read: Jake Zyrus’s grandmother Tess Pineda passes away

Read: Raquel Pempengco loses brother three days after mother’s death; asks for Jake Zyrus’s help

Hiningi ni Raquel ang tulong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) para maiparating kay Jake ang balita tungkol sa pagkamatay ng tiyo ng singer.

Apat na magkakapatid sina Raquel pero dalawa na lamang silang natitira dahil sa pagkamatay nina Rey at Robert.

Nagkaroon noon ng tampuhan sina Raquel at Rey kaya dalawang dekada silang hindi nag-usap.

Continue reading below ↓

Pero nang malaman ni Raquel ang nangyari sa kanyang kapatid, kinalimutan niya ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan, isang bagay na hinihintay raw niyang gawin ni Jake alang-alang sa mga kamag-anak nilang namayapa.

“Yun ang gusto kong iparating, kahit ano pa yung nagawa ko, ganoon ba kalaki ang nagawa ko sa kanya para tikisin niya kami na pamilya niya?” pigil ang pag-iyak na pahayag ni Raquel nang makausap siya ng PEP.ph ngayong Biyernes ng umaga, July 15.

“Hindi ko alam ang pinanggagalingan ng sama ng loob niya.

“Malimit niyang sinasabi, hindi siya tanggap, na imposible dahil hindi pa siya nagre-reveal, alam na namin dahil dinadala na niya sa amin ang kanyang mga girlfriend.

“Sikat na siya noon. Hindi lang alam ng mga tao dahil hindi ako nagsasalita.

“Ako pa nga ang nagsabi sa kanya na, ‘Huwag mo munang i-reveal dahil kasisikat mo pa lang. Sayang ang opportunity.’

“Kumbaga, ako ang unang nag-advise sa kanya ng lahat-lahat na mawawala kapag nag-reveal siya.”

Continue reading below ↓

Patuloy ni Raquel, “Hindi naman ako nagkulang, e. Sa akin pa sila [netizens] galit.

“Kaya minsan, ayoko nang magsalita dahil ako ang magiging masama kung sasabihin ko ang totoo.”

EMOTIONAL SUPPORT, NOT FINANCIAL SUPPORT

Madalas na biktima ng online bashing ng netizens si Raquel dahil, ayon sa kanya, hindi alam ng publiko ang mga tunay na nangyayari sa pamilya nila na pinagtatakpan niya.

Bukod sa magkakasunod na pagkawala ng kanyang ina at dalawang kapatid, ikinalulungkot ni Raquel ang pagbabalewala ni Jake sa mga nangyayari.

Sinabi ni Raquel na hindi pera ang isyu dahil gusto lamang niyang makatanggap ng moral at emotional support mula sa kanyang panganay na anak.

Read: Jake Zyrus mourns deaths of his grandmother, uncle

Saad niya, “Nagpalabas ng balita yung manager ni Charice na nagbigay sila ng tulong pero wala naman nakakarating sa akin. Wala talaga dahil lahat nakalista.

“It’s not about money. Kahit man lang yung manager ang nagsabi na ‘Nakikisimpatiya po kami sa inyo, Mommy.’ Pero bakit pati ang manager niya, hindi nakikipag-communicate sa akin?

Continue reading below ↓

“Bakit nagkakaganoon si Charice sa pamilya niya, kung kailan kailangan siya?

“Hindi financial, e, sana man lang kahit konting emotional support na, ‘Mommy, kaya mo ‘yan, huwag kang mag-aalala. Ingatan mo ang kalusugan mo.’

“Yun lang naman ang hinihintay ko.

“Yung bunso ko [Carl Pempengco], tumawag ngayon. Sabi niya, ‘Mommy, kumusta ka na diyan?’

“Nagwo-worry siya kasi sunud-sunod na nga yung namatay.”

Lahad pa ni Raquel sa PEP.ph, “Alam mo ba nag-message ako noon kay Charice sa Instagram? Hindi niya ako pinansin.

“Si Nanay, malimit magparamdam. Si Kuya Obet, kapag kumakanta ako, naaalaala ko siya.

“Gusto ko, masagi man lang nang kahit konti ang puso ni Charice, kaso wala talaga.”

Naghinanakit ni Raquel dahil mas nagpaparamdam pa sa kanya ang mga namatay niyang kamag-anak kesa kay Jake na buhay na buhay.

Pahayag pa niya, “Minsan, gusto ko nang sumuko. Minsan naiisip ko, dapat ako na lang yung namatay dahil wala na akong silbi sa pamilya ko.

Continue reading below ↓

“Si Charice, okay na. Kaya na niya yung sarili niya. Yung bunso ko, kaya na rin. May asawa na siya.

“Siguro, hindi na nila ako kailangan. Gusto ko nang magpahinga.”

Pupunta si Raquel sa Mindoro sa Linggo, July 17, para makita sa huling pagkakataon ang kanyang namatay na kapatid na si Rey.

Nagkaroon man sila ng samaan ng loob, ang pagmamahal bilang kapatid ang nangibabaw raw sa kanya kaya kinalimutan niya ang mga tampuhan nila.

Umaasa si Raquel at ipinagdarasal nitong umiral din sa puso ni Jake ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya dahil magkakadugo pa rin sila.

Sinabi ni Raquel na sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakamali ni Charice, kailanman, hindi niya maaaring itakwil ang anak na kanyang tatanggapin anumang oras na magbalik sa kanya.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Solenn Heussaff says daughter Tili is ready to become an ate
Next post Dominique Frani: nagka-singko, na-reject sa trabaho; naging Top 4 sa architecture exam