
Rabiya Mateo responds to “looks cheap” comment from basher
Hindi inatrasan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na sagutin ang isang basher na tumawag sa kanyang “looks cheap.”
Nagsimula ito nang mag-comment ang basher sa TikTok post ni Rabiya habang sumasayaw ang beauty queen-turned-actress ng “1001 Arabian Nights” ng Dutch pop group na Ch!pz.
Comment ng basher na ngayon ay burado na (published as is), “LOOKS CHEAP [laugh emoji]”
Mukhang agad itong nabasa at napansin ng TiktoClock host kaya gumawa siya ng separate video para sagutin ito.
Mababasang caption ng beauty queen-actress: “In a world full of bullies, be kind.”
Ayon kay Rabiya, simula nang lumaban siya sa Miss Universe Philippines 2020 ay madalas na siyang nakababasa ng “mean comments” sa social media tungkol sa kanyang hitsura at kapasidad.
Sa tagal daw niyang pagtitimpi at pananahimik, first time niyang sasagutin ang basher na pumupuna sa kanya.
Base sa paglalarawan ni Rabiya ay may edad na ang naturang basher.
Mensahe ni Rabiya, “You know what, madam, miss [basher] or hindi ko alam kung paano kita i-aaddress.
“You know what, you can be the most expensive-looking person but if you’re mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don’t think na I want to be somebody like you.
“Ako, I’m proud of myself.
“I’m proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makipagkapwa-tao.”
Nilinaw rin ni Rabiya na hindi niya hinihiya ang basher dahil sa edad nito, kundi sa maling paraan nito ng pananalita patungkol sa kanya.
Aniya, “Baka isipin niyo po na sini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganoon.
“But I hope, sa edad niyo pong iyan, marami na kayong natutunan sa buhay.”
Sinabihan din ni Rabiya ang basher na maging good example at huwag ugaliing magpalaganap ng negativity online.
“You should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media.
“Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I’m sure of that and sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao, di ba?” saad niya
Sa huli, banat ni Rabiya na kung tingin man sa kanya ng iba ay cheap, hindi niya babaguhin ang sarili para magustuhan nila.
“Pero sige, bigay ko na lang po yun sa inyo. If I look cheap, pasensiya na po.
“Pero I will never be somebody like you,” sabi ng Kapuso star.
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/