
Pokwang pokes fun at shape of sweet potato; gets ribbed about being reminded of ex-partner
Laugh trip ang hirit ni Pokwang tungkol sa babalatan niyang kamote pang-merienda noong Linggo, November 27, 2022.
Ipinost ng Kapuso comedienne-TV host sa Instagram ang litrato ng kamote na aniya’y may kakaibang hugis.
Sabi ni Pokwang sa caption (published as is): “bakit ganon? gusto ko lang naman sana magluto ng kamote cue para sa miryenda pero biglang naiba ang pakiramdam ko?
“parang……iba e! bakit kaya? ano ba meron sa kamoteng ito? [laughing emojis]”
Lumalabas na green joke ang nais palabasin ni Pokwang, at agad naman itong na-gets ng kanyang followers.
Base sa hugis ng kamote ay posibleng iba nga ang isipin ng mga nakakita rito.
Natatawang hirit ng isang commenter, “mamang! Magluluto lang dapat pero biglang may isang tao kang naalala ganernnn [fire, lovestruck, laughing emojis].”
Waring ang tinutukoy ng commenter na naalala ni Pokwang ay ang ex-live-in partner nito na si Lee O’Brian.
Sagot ni Pokwang sa commenter (published as is), “bwahahahahaa hindi naman….. hindi naman ganyan kaliit hahahahaha.”
May netizen ding nagsabi sa komedyana na “Baka miss mo xa.”
Paniniguro naman ni Pokwang, “hindi naman.”
Pokwang and Lee O’Brian’s breakup
Naghiwalay si Pokwang at partner na si Lee noong November 2021, pero naiulat lamang ito noong July 2022. Humigit-kumulang anim na taon nagtagal ang kanilang relasyon.
Kinumpirma ni Pokwang na “single mom” uli siya sa isang presscon noong October 2022.
Bagamat masaya siya sa bago niyang endorsement, hindi napigilang maiyak noon ni Pokwang nang alalahanin ang mga hirap na pinagdaanan nitong pandemya.
Malinaw na idinadaan na lang niya sa tawa at lakas ng loob kung anuman ang saloobin niya.
Bago iyon, noong September 2022, ipinakita niya sa publiko na sinusubukan nila ni Lee na maging maayos na co-parents sa anak nilang si Malia.
Nasa Instagram post ni Pokwang ang picture ng birthday celebration ni Lee kasama si Malia sa bahay ng komedyana.
News Philippines today at https://philtoday.info/