PH bet Jovy Bequillo wins Man Hot Star International in Thailand

Natupad ang pangako na binitiwan ni Jovy Bequillo na maipagmamalaki ng Pilipinas ang pagsali niya sa first Man Hot Star International dahil siya ang nagwagi sa male pageant na ginanap kagabi, November 25, 2022, sa True Icon Hall sa IconSiam, Bangkok, Thailand.

Nag-mula sa Naga City ang 27-year-old first Man Hot Star International winner at nagtatrabaho siya sa Department of Agrarian Reform sa Bicol.

Bukod sa karangalan na siya ang kauna-unahang Man Hot Star International title-holder, tatanggap si Jovy ng cash prize na 500,000 Baht (PHP792,200 ang katumbas sa Philippine currency). Pinagkalooban din siya ng 10,000 Baht (PHP15,886.81) para sa kanya Best in Social Media special award.

Jovy Bequillo first Man Hot Star International 2022

Dalawampu’t isa (21) ang bilang ng mga opisyal na kandidato mula sa iba’t ibang bansa, at si Jovy ang pinalad na magwagi, kahit kinabahan siya nang husto sa pagsagot sa question and answer portion ng kumpetisyon.

Sa kabila ng pagkakaiba sa wika at kultura, sinabi ni Jovy na handa ito na tanggapin ang mga hamon bilang first ever Man Hot International, at nagdilang-anghel siya dahil nakuha niya ang titulo.

Nagpasalamat si Jovy dahil nasasabi raw nito ang lahat ng kanyang mga gusto na sabihin, kaya nais niya na matutunan ang pagsasalita ng Thai language at magtrabaho sa Thailand.

Dati nang sumasali si Jovy sa mga male pageant sa Pilipinas at ang Man Hot Star International ang kauna-unahanh international competition na nilahukan niya.

Pangunahin na layunin na makilala bilang una at marangya na business class male pageant.

Si Jovy ang nag-iisang Pilipino na nanalo sa 1st Man Hot Star International dahil first and third runner-ups ang mga kinatawan ng Thailand, samantalang second at 4th runner-ups ang mga contestant mula sa Korea.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

MORE PAGEANT STORIES

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post It’s Vaudeville – Random Events? No – Reading The Script – David Icke Dot-Connector
Next post ‘Enough’: Australian newspaper The Age, once compliant and supportive of Andrews fascism, comes out against extended lockdown in fiery editorial