PBB ex-housemate Pamu Pamorada engaged to Mitchell Hapin

Engaged na ang dating Pinoy Big Brother: Unlimited housemate na si Pamu Pamorada.

Sa Instagram kahapon, September 25, 2022, ibinahagi ni Pamu ang ilang larawan ng engagement nila ng fiancé na si chef Mitchell Hapin.

Sabi ni Pamu sa caption, “The Lord is really faithful! my heart is full. [heart, ring emojis] in God’s perfect time tlaga. [smiling face with hearts emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Pamu Pamorada (@pamupamorada08)

Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa ilang Kapamilya at Kapuso stars sa post ni Pamu.

Kabilang sa mga ito sina Gelli de Belen, Alexa Ilacad, Maja Salvador, Kathryn Bernardo, Alyssa Muhlach, Devon Seron, Neil Coleta, Joyce Ching, at Jerome Ponce.

Pamu Pamorada engagement

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pamu Pamorada engagement

Sa kanyang Instagram Story, nag-upload ng maiksing video si Pamu kung saan makikitang lumuhod sa kanyang harapan si Mitchell upang ayain siya ng kasal.

Sabi niya sa caption, “SASABAY LANG PO AKO SA BAGYO [ring, heart emojis]. Thank you Lord.”

Kahapon ay nanalasa sa Luzon ang Super Typhoon Karding.

Pamu Pamorada engagement

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din si Mitchell sa kanyang Instagram.

Nagpasalamat siya sa Diyos sa maraming grasya nilang natanggap.

Naluha rin daw siya habang nag-propose siya sa fiancée na ngayong si Pamu.

Saad niya sa caption, “We’re officially engaged. [two hearts emoji]

“Unang una sa lahat. Thank you so much Lord sa Blessings. Yung di nako nakapag salita dahil nakita ko syang umiyak. Naluha na din ako. I Love you so much Pangsy. [two hearts emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Mitchell (butchik) Hapin ???????????????????????????????????????????????????? (@itsmitchellhapin)

Si Pamu ay kasalukuyang kasama sa cast ng 2 Good 2 Be True ng ABS-CBN.

Siya ang hinirang na Second Big Placer ng Pinoy Big Brother: Unlimited noong taong 2012 kung saan ang nanalo ay si Slater Young.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Alarm Bells Sound As World’s Second Largest Appliance Company Reports Demand Plunge
Next post Russian Spy Agency Identifies Crimean Bridge Bombers – Reveals Route of Bomb Through Ukraine, Bulgaria, Armenia and Georgia Before Exploding on Russian Bridge