Paulo Avelino asked about birthday gift to Janine Gutierrez

Kinumpirna ni Paulo Avelino na patuloy ang komunikasyon at lumalabas pa rin sila ng dating Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You leading lady na si Janine Gutierrez.

Na-link ang dalawa mula nang magkapareha sa serye at marami ring pagkakataon na may sightings na magkasama sila.

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Paulo sa nakaraang Flower Of Evil farewell presscon, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS CBN noong October 4, 2022.

“Okay naman, nag-uusap. Yeah, lumalabas pa rin kami,” sagot ni Paulo nang matanong tungkol kay Janine.

Ika-33rd birthday ni Janine noong October 2, at inusisa namin si Paulo kung may nag-celebrate sila ni Janine.

Ano ang regalo at birthday wish nìya para sa aktres?

“Ako, siguro regalo ko sa kanya prayers, good health,” sagot ng aktor.

“Birthday wish, siguro even this year and better career this latter end of 2022 and 2023.

“Di pa siya nagse-celebrate so makikita natin pag may party na.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ON PLAYING AN OUT-OF-THE BOX ROLE

Gumaganap bilang Jacob del Rosario si Paulo sa adaptation ng Korean serye na Flower Of Evil.

Masaya si Paulo sa challenging role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya Network at Dreamscape Entertainment.

“Masaya, masaya naman pero masaya ako na sa akin ibinigay ang character na ito. Na-challenge naman ako kahit papaano.”

Dahil dark ang karakter na ginagampanan ni Paulo bilang isang psycho killer sa naturang serye, tinanong siya kung paano siya kumakalawa sa role na kadalasang problema ng ilang artista.

“Ang maganda kasi dun sa character, hindi ako nandun sa buong cycle.

“Siyempre maraming flashbacks, maraming ginagawa sa present time nung istorya.

“Maraming time mag-prepare kaya nakuha din namin nang maaga yung materyal namin.

“Aside sa nag-workshop kaming tatlo nila Piolo and Lovi under Tito Nonie Buencamino, also with the help of our directors and creatives… parang non-stop naman silang nandiyan to answer our questions or to set our limitations on what we can and we cannot.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ALL PRAISES FOR PIOLO AND LOVI

Pinuri rin ni Paulo sina Piolo at Lovi sa propesyonalismo at galing na ipinakita nila sa serye.

“Si Lovi nakatrabaho ko na siya sa puro pelikula, dalawa yata o tatlong Regal [Films] na pelikula.

“Ganun pa rin siya, mabait pa rin, mahusay pa rin, masaya pa rin siyang katrabaho.

“Si Piolo naman first time ko siyang maktrabaho sa serye.

“Na-amaze ako kay Papa P dahil kakaiba din talaga yung binigay niya dito.

Parang napadali rin yung trabaho dahil sa kanya.”

Ang Flower of Evil ay nasa huling episodes na ngayong weekend.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post A Message from CLINTEL: There is No Climate Emergency
Next post Canadian Nurse Whistleblowers Say Many People Are Dying From the ‘Covid’ Fake Vaccines With Hospitals Filled With the Fully Fake Vaccinated