Pasig City Mayor Vico Sotto schools netizen about commuters discipline

Hindi nag-atubili si Pasig City Mayor Vico Sotto na sagutin ang isang netizen na nag-tag sa kanya sa isang tweet kahapon, October 12, 2022.

Read: Vico Sotto: The son also rises

Reklamo ng netizen, bakit daw pinalipat ang mga pasahero sa bandang simbahan na malayo sa dating abangan ng sasakyan sa may tulay ng Rosario, Pasig.

Tweet nito sa alklade, “anung pinag gagawa nio sa mga pasaherong nag aabang ng masasakyan sa may rosario tulay? pinapalipat nio sila sa napakalayung simbahan..”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules, October 13, sinagot ito ni Mayor Vico.

Ayon sa alkalde, bakit daw ang mga Pilipino kapag nasa ibang bansa ay kayang sumunod sa mga panuntunan kung saan ang tamang sakayan at babaan.

Kahit pa raw maglakad ang mga Pinoy nang malayo, walang reklamo ang mga ito dahil nga sumusunod sila sa mga alituntunin sa ibang bansa.

Ang ipinagtataka raw niya, nagagalit ang mga Pilipino kapag gumagawa ng pagsasaayos at nagpapatupad ng bagong panuntunan lalo na sa mga daanan.

Buong sagot ni Mayor Vico kalakip ng tweet ng netizen, “Bakit kaya pag nasa ibang bansa tayong mga pilipino, handa tayong sumunod sa tamang sakayan/babaan… kahit paglakarin tayo ng 500 meters sumusunod tayo, no questions asked… Pero pag nasa maynila tayo, magagalit pa kapag inaayos ito…”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Iba-iba ang naging pananaw rito ng netizens.

May mga sumang-ayon at meron ding nagpaliwanag kung bakit sumusunod ang mga Pilipino sa batas-trapiko sa ibang bansa.

Sabi ng isang umayon sa alkalde, bakit pa siya lalayo. Sa Ayala, Makati-Central Business District (CBD) ay sumusunod naman ang mga tao sa tamang tawiran at babaan.

Aniya, “Mayor hwag ka na pong masyadong lumayo. Sa Makati CBD nagagawang sumunod ng mga tao bakit hindi gawin sa ibang lugar?”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sinegundahan din ito ng isa pang netizen.

Sabi nito, “Systemic problem talaga, not just behavioral. People follow naman if the whole system, environment, or structure dictates the desirable behavior. Example na lang ang Ayala Avenue.”

Pagsang-ayon ng isa pa, bakit sa ibang bansa marunong ang mga Pilipino ng “clean as you go,” pero sa sarili nilang bansa ay hindi nila ito ginagawa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Same question I had … bakit pag nasa ibang bansa tayo marunong tayong mag-CLAYGO pero pag dating dito … wala na! dapat pag best practice ina-apply natin sa lahat”

Mas marami naman ang nagbigay ng kanilang paliwanag kung bakit sumusunod ang mga Pilipino or ibang lahi sa mga alintuntunin ng ibang bansa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa, “Sa ibang bansa mayor safe ang sidewalks. Hindi need makipagbarda sa mga sasakyan or sa mga masasamang loob, well lighted yung ibang area, may designated bus stops at designated well lit and may mga CCTV sa bus stops. People feel at ease when commuting.”

Ayon naman sa isa pang netizen, “walkable” kasi ang sidewalks sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Saad nito, “Mayor, if you’re referring to Europe or US, walkable kasi ang mga kalsada nila because of good urban planning and they’re blessed with temperate weather. Hindi katulad po dito sa atin na mainit at wala mga infra para maengganyo mga tao na maglakad.”

Ayon naman sa isa pa, “You ever take into consideration how walking in places like Singapore, HK, or Thailand compares to the experience of walking in Manila? Mas lalo na experience ng commute doon na may maayos na sistema at safe compared dito. Try to walk on our sidewalks din minsan.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, sinabi ng iba na hindi naman pala taga-Pasig ang nagreklamong netizen.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post First robot to speak at the House of Lords (not true – have you seen the ‘lords’?)
Next post Message for the people of the Netherlands from Ickonic … (Please share)