NLRC invites Ruffa Gutierrez for mediation after former househelps filed complaint against her

Nagsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang dalawang dating kasambahay ni Ruffa Gutierrez.

Ito ay ayon sa kaalitan ng aktres na si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Sa Twitter ngayong araw, July 20, 2022, ipinakita ni Guanzon ang dokumento mula sa NLRC na nag-iimbita kay Ruffa sa isang mediation conference sa darating na July 27, 2022, ganap na ika-11 ng umaga.

Ruffa Gutierrez faces complaint at NLRC filed by former househelps

Continue reading below ↓

Si Guanzon ay number one nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list.

Hindi pa siya nakakaupo sa Kongreso dahil sa nakabinbing petisyon sa Supreme Court.

Siya diumano ang nilapitan ng dalawang dating kasambahay ni Ruffa dahil mula ang mga ito sa kanyang probinsiya sa Negros Occidental.

Sabi ni Guanzon sa caption (published as is): “The 2 former kasambahay of Ruffa G wna taka kabankalan negros occidenral filed a complaint in the NLRC for backwages and damages.”

Si Guanzon ang unang nagsapubliko tungkol sa isyu umano ni Ruffa at ng kanyang mga kasambahay noong July 7.

Nagkuwento siya sa Twitter sa pamamagitan ng blind item tungkol sa dalawang katulong na pinalayas daw ng amo at hindi binigyan ng suweldo.

Tweet ni Guanzon noon: “My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

Wala masyadong pumansin sa tweet niyang ito hanggang sa pangalanan na niya kung sino ang kanyang tinutukoy, walang iba kundi si Ruffa.

Tinanong niya ang aktres kung may katotohanan ba ang nakarating sa kanya.

Mariin itong pinabulaanan ni Ruffa.

Ayon kay Ruffa, ang dalawang bagong kasambahay — na dalawang linggo pa lang sa kanyang pamamahay — ay pinagtulungan umanong awayin ang kanyang mayordoma na nagsisilbi na sa kanya ng halos labinwalong (18) taon.

Paglilinaw ni Ruffa: “Hello Ms. Guanzon, No it’s not true.”

Continue reading below ↓

Read: Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries

Sinundan din ito ng isang mahabang statement mula sa abogado ng aktres.

Wala pang reaksiyon si Ruffa sa bagong pasabog ni Guanzon.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga nais ihayag ni Ruffa at ng kanyang abogado.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Two Weeks To Flatten The World
Next post Robot Dog Learns to Walk in an Hour After Scientists Build “virtual spinal cord”