Nico Bolzico reveals gender of second baby with Solenn Heussaff via “boyfriend talk” post

Mukhang magiging mahigpit na tatay para sa kanyang mga anak na babae ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.

Buntis muli si Solenn sa ikalawang anak nila ni Nico.

Baby girl na naman ang nasa kanyang sinapupunan.

Nitong September 25, 2022 ay nag-post si Nico ng reel sa kanyang Instagram.

Nilagyan niya ito ng caption na: “They are never too young to have the ‘Boyfriend Talk.’”

Screenshot of Nico Bolzico's IG post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig din sa reel na nagsasalita siya, at ang kanyang sambit, “I know you’re very young. But you are my daughter. But we need to have this conversation about boyfriends.”

Nag-zoom ang camera at makikitang ang kausap ni Nico ay ang baby na nasa tiyan ni Solenn.

Game naman ang huli at hinahayaan lang ang mister sa pakikipag-usap nito sa kanyang nasa sinapupunan.

Sabi pa ni Nico sa anak, “Don’t worry, I’ll make it short. You cannot have a boyfriend till you are 23 years old. Love you!”

Hinagkan din nito ang belly ng misis.

Screenshot of Nico Bolzico's IG post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento si Bianca Gonzalez sa post ni Nico at sinabing nakaka-relate dito ang kanyang mister na si JC Intal.

Pareho rin kasing babae ang anak nina Bianca at JC.

Hamon ni Nico kay Bianca, “Maybe we can share anti boyfriend strategy?”

Natuwa naman ang netizens sa post ni Nico, at sinabing napaka-“subtle and cool” ng naging paraan niya para i-reveal ang gender ng ikalawang anak nila ni Solenn.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Monopoly – who owns the world? Documentary by Tim Gielen
Next post The UK’s Energy Price Control is Part of the Great Reset