Newbie Tom Leano hopes to meet idol Dingdong Dantes

Pagdating sa hosting, si Vice Ganda ang iniidolo ng 11-year-old host na si Tom Leaño.

“Kasi po ang galing niya pong magpatawa,” bulalas ni Tom nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon na ipinatawag ng MPJ Entertainment Productions para sa kanilang mga shows.

Ginanap ang mediacon noong Sabado, September 24, 2022, sa Stone Hauz sa E. Rodriguez sa Quezon City.

Isa si Tom sa main hosts ng Kids Toy Kingdom na tungkol sa modern at vintage toys, toy collections, at toy collectors.

Sabi pa ni Tom tungkol kay Vice, “Sarili ano lang po niya, dayalog, wala po siyang script.

“Kaya idol na idol ko po siya kasi siya lang yung, napapatawa niya po lahat ng manonood kahit sa TV lang po.

“Katulad ako po, napapatawa niya po ako sa lahat ng jokes niya. Naging idol ko po siya.”

Ibig bang sabihin ay kapareho ng kay Vice ang hosting style ni Tom?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo, mahilig din po akong mag-joke.

“Yung nagustuhan ko po, yung ginaya ko po sa kanya ay yung pagdyu-joke pag naghu-host po siya.”

Kamakailan, naging presenter siya sa 2022 Gintong Parangal Celebring Awards Night sa Okada Manila.

Magiging special guest performer rin siya sa lifestyle show na Millennials sa Kumu.

Kung mabibigyan si Tom ng pagkakataong magkaroon ng acting project, nais niyang makapareha si Kathryn Bernardo.

Sabi niya tungkol sa Kapamilya actress, “Kasi ang galing niya po, e. Kung magaling po yung ka-akting mo, mas maganda yung kakalabasan. Magaling yung ka-akting mo magaling ka din.”

Kapag binata na siya, nais namang sundan ni Tom ang mga yapak ng Kapuso Prime-time King na si Dingdong Dantes.

Hindi pa raw niya nakikilala nang personal si Dingdong.

“Gusto ko po talaga siyang ma-meet. Ang dami po kasing nagsasabi na kamukha ko siya, e, kaya gusto ko siyang makita sa personal.”

Kapag nakita na niya si Dingdong sa personal, ano ang gagawin niya?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Magpapa-video greet. Kasi yung pamilya ko po, idol na idol po siya. Kaya ang pamilya ko laging nanoood ng Family Feud.

“’Tapos magpapapiktyur po ako sa kanya, ‘tapos sasabihin ko sa kanya na idol ko siya,” ang nakangiting sinabi pa ni Tom.

Bukod sa pagiging print ad and TV commercial model at dancer, si Tom ay isang Grade Six student sa CAMARIN Elementary School sa North Caloocan.

Kasama ni Tom bilang host ng Kids Toy Kingdom si Hannah Ortiz, na tulad ni Tom ay talent ng MPJ Angels Artists’ Pool management ni Perry Escaño at Noreen “Mommy Angel” Espejon.

Mapapanood ang Kids Toy Kingdom sa Kumu app at MPJ Network YouTube Premium sa September 29, 2022, 6:00 p.m.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Fascist Australia Warns the Unvaccinated Will Face Total Social Isolation Indefinitely When Lockdown Ends. The psychopaths are trying to break your spirit – DON’T LET THEM
Next post Reasons making crypto investments going down regularly