
New Miss Grand Philippines national director Arnold Vegafria hopes to regain trust of Pinoy pageant fans
Kita ang kasiyahan sa mukha ng talent manager at pageant director na si Arnold Vegafria na napasakamay ng kanyang kumpanyang ALV Pageant Circle ang local franchise ng Miss Grand International.
“Well, I’m so happy, at least there’s a new owner, there’s a new franchise of Miss Grand International.
“I’m hoping that as the new owner, the new national director, I can bring home the bacon this time.
“That I will choose the best representative of our country who will compete for Miss Grand International.
“And I’m positive that this time, we will get the crown for Miss Grand International,” pahayag ni Arnold nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa official launch ng Miss Grand Philippines sa Hilton Hotel Manila, Huwebes ng gabi, November 24, 2022.
Simula nang itatag ang Miss Grand International (MGI) noong 2013, hindi pa nakakapag-uwi ng korona at titulo ang Pilipinas.
Samantala, batid ni Arnold na maraming Pinoy pageant fans ang galit sa MGI Organization at sa nagmamay-ari nitong si Nawat Itsaragrisil. Paano niya makukumbinsi ang Pinoy pageant fans na muling manumbalik ang interes sa Miss Grand Philippines?
Pahayag ni Arnold, “Each person naman has their own opinion, we cannot force them naman, kanya-kanyang opinion iyan.
“But the most important here is, let’s give a chance this organization and I believe naman in this organization.
“And maybe this time, I’ll get the best, we will do our best na makakuha ng the best representative natin na palarin na makuha ang crown ng Miss Grand International.”
Masaya raw si Arnold na binigyan ng pagpapahalaga ng Miss Grand International Organization ang pagsalin ng prangkisa ng pageant sa kanya at naglaan sila ng oras upang dalhin ang siyam na winners ng Miss Grand International 2022 sa bansa.
Bilang selebrasyon na rin daw ito ng kanilang ika-sampung taon sa pageantry.
Samantala, may mga nagsasabing ineeksenahan daw ng Miss Grand Philippines launch ang finale activities ng Miss Earth bago ang grand coronation nito sa November 29.
Mukhang wala namang alam si Arnold na sa Pilipinas ginaganap ang Miss Earth 2022.
Sabi niya, “A, hindi naman, timing lang kasi ito. Naka-schedule na talaga ‘to. After this, they will go to other country.
“And actually, if you’re going to ask me, very short lang yung preparation ko. But I have no choice but to follow the schedule ng Miss Grand International.”
Sa huli, may mensahe si Arnold sa Pinoy pageant fans: “To all sa pageant fans sa Pilipinas, sana magkaroon na tayo ng unity, lalung-lalo na ngayong magpa-Pasko.
“I-accept natin kung ano, this time siguro bigyan niyo ng chance sa bagong national director like me na gagawin ko ang lahat para masunod yung matagal niyong inaasam na makuha natin ang korona ng Miss Grand International.”
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/