Netizens weigh in on “unintentional copying” statement of CamSur college over plagiarism issue

Nabulabog ang mundo ng akademya nitong nakaraang July 12, 2022, nang mag-viral ang TikTok video ang halos parehong valedictory address ng dalawang graduates.

Mapapanood sa video ang pinagdikit-dikit na speeches nina Jayvee Ayen, magna cum laude graduate ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) ngayong 2022, at Mariyela Mari Hugo, cum laude graduate ng Far Easter University (FEU) noong taong 2019.

Sa nasabing two-minuter clip, parehong-pareho ang pagkakabigkas, daloy ng salita, at paksa ng talumpati nina Jayvee at Mariyela.

May isang salita ring nangingibabaw sa kanilang mga talumpati — “lang.”

May iniba lamang sa takbo ng speech nang diumano’y nanggaya upang iakma sa panahon, lugar, at mga kursong meron sa kanilang kolehiyo.

Sa exciting part ng kuwento, lumitaw na kinopya ni Jayvee ang bahagi ng speech ni Mariyela na nag-trend noon sa Twitter dahil sa ganda ng nilalaman at husay ng kanyang delivery.

Netizens weigh in on

Continue reading below ↓

Inspired? Plagiarized? O unintentional copying?

THE STORY

Si Mirayela ay grumadweyt sa kursong Bachelor of Secondary Education, Major in English, noong Jyly 2019.

Si Jayvee ay nagtapos ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa CSPC at Top 1 sa kanilang batch nitong July 2022.

Sa magkaibang panahon ay pareho silang napiling magbigay ng valedictory address sa kanilang graduation.

Ang titulo ng valedictory address ni Mariyela ay “Lang.” At ito rin marahil ang title ng speech ni Jayvee.

Nang pumutok ang isyu tungkol sa pangongopya umano ni Jayvee ng speech ni Mariyela, idinahilan ng CSPC magna cum laude na na-inspire siya sa speech ng FEU cum laude.

Naka-relate daw siya nang husto sa nilalaman ng speech ni Mariyela at wala raw siyang intensiyong kopyahin ito.

Sabi niya sa panayam ng kanilang school paper na The Spark, “I meant not to plagiarize […] Naka-relate lang rin ako ng sobra nung napanood ko yung video.”

Continue reading below ↓

Pag-amin pa ni Jayvee, napanood niya sa YouTube ang video ng speech ni Mariyela ngunit may dalawa na siyang speech na na-draft bago ito.

Ang ikatlo raw niyang isinulat na speech ay may laman galing sa survey na kanyang isinagawa mula sa mga estudyante at graduating students ng CSPC.

Matapos niyang isulat ang kanyang third speech, may nag-share daw sa kanya ng “Lang” speech ni Mariyela.

Napansin daw ng binata na halos magkapareho ang takbo ng speech na gusto niyang ipunto sa graduation speech ni Mariyela.

Naging basehan daw niya ang speech ni Mariyela sa topic ng kanyang valedictory address na natapos na rin niyang sulatin.

Sabi pa ni Jayvee, “Kay Ma’am Mariyela, I am really sorry. Hindi ko po intensyon na i-plagiarize yung speech niya.

“Nagkataon lang talaga na same topic yung gusto ko i-address (and) at the same time nagkataon rin na napanood ko ‘yung video nya.

“Kung baga driven by her impactful speech kaya nagawa kong ma ipasok yung ibang thought sa speech ko without thinking na napa-plagarize ko na pala yung speech nya.”

Continue reading below ↓

Netizens weigh in on

Ayon naman kay Mariyela, “The issue has already been brought to my attention by concerned netizens.

“While one may have good intentions, one must still check if the means to actualize those intentions are also ethically acceptable. Borrowed ideas, even inspirations, should be cited or at the very least, acknowledged.

Continue reading below ↓

“I hope that this issue serves as a reminder to everyone to review and uphold their standards.”

Read: Magna cum laude from CamSur draws flak for plagiarizing valedictory address

UNINTENTIONAL COPYING

Kahapon, July 13, naglabas ng pahayag ang CSPC ukol sa umiinit na isyu.

Samu’t saring mga salita na raw kasi ang naibato kay Jayvee kaya sila na mismo ang humihingi ng paumanhin kay Mariyela.

Hinihingi nila ng paumanhin ang “carefee attitude” ni Jayvee sa “unintentional copying” nito ng ideya at istilo ng talumpati ni Mariyela nang walang karampatang pagkilala sa orihinal na may likha nito.

Humingi rin sila ng kapatawaran sa mga tao o grupo na maaaring naapektuhan sa pangyayari.

Pahayag ng CSPC: “With all that has been said and done and on behalf of Mr. Jayvee Ayen, we apologize to Ms. Mariyela Mari G. Hugo for the carefree attitude of Mr. Ayen in unintentionally copying the idea and style of her speech without proper attribution.

Continue reading below ↓

“We apologize to all other individuals and entities who may have been offended and affected by this issue.”

Read: CamSur school apologizes for plagiarized valedictory speech of magna cum laude graduate

Hindi nakalampas sa ilang netizens ang “unintentional copying” na ginamit na dahilan ng kolehiyo sa naging pagkakamali ng kanilang estudyante.

Dahil dito, pinutakte ng komento ang comments section sa Facebook post ng CSPC.

Puna ng isang netizen: “How is copying unintentional? The school has been dragged to this mess. You could revoke the award given to him. Plagiarism is a serious offense. It’s a valid ground for expelling a student.”

Netizens weigh in on

Continue reading below ↓

Katuwiran naman ng isa pang netizen: “Copying and publicizing a copied material being an unintentional act? I need a scholarly paper to prove the argument here insofar as it contradicts certain theories of virtue epistemology and moral philosophy.

“The act of copying has the elements of mental and moral deliberations; the decision to copy and publicize the work seals the fact of its intentionality. As a good scholar, he should have at least diligently considered the consequences of his act.”

Netizens weigh in on

Continue reading below ↓

Hindi rin matanggap ng isa pang netizen ang paliwanag ng school.

Saad nito: “You just gave a free pass to existing and future students of your institution to plagiarize and get away with it. Such disgrace and disservice to everyone in your academe.”

Netizens weigh in on

Biro ng isa pa: “Take note… UNINTENTIONAL. Minemorize na lahat lahat, tapos may halong project pa ng expression pero unintentional. Wala lang. nakita ko lang. peace po!”

Continue reading below ↓

Netizens weigh in on

Tila binungangaan naman ng isa ang pamunuan ng eskuwelahan.

Sabi nito: “UNINTENTIONAL COPYING. Almost word per Word , Gesture and Intonations plagiarized. Top 1 of the Graduating class at that? If this is your best how sad”

Netizens weigh in on

Continue reading below ↓

VALEDICTORY ADDRESS, NOT BIRTHDAY SPEECH

Isang guro naman mula sa University of Sto. Tomas ang hindi matanggap ang dahilang “unintentional copying” statement ng CSPC.

Post niya sa kanyang Facebook kahapon: “Kapag nangopya, laging may intent para mangopya. Gusto. Sinadya. Iyon ang pakay, kopyahin. Palabasing kaniya.

“Anong ‘unintentionally copying… ang pinagsasasabi n’yo? Hindi magkarugtong ang daliring nakadutdot sa keyboard at ang utak ng gumawa? Iyong magugulat na lang, ‘humaygahd, anong ginawa ng daliri ko, nakopya ko pala! Hindi ko sadya!’ You see how silly it sounds?”

“Masakit makarinig o makabasa ng non-apology statement sa isang high profile plagiarism case at this day and age of screengrab and ctrl+c and ctrl+v.

“Trust me on this, masakit ito. Mula sa isang taong kumukuha ng kabuhayan sa kaniyang pinaghihirapang buoing talata.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya sa isang post: “Dahil hindi ko maramdaman ang sincerity ng institution sa apology na may ‘unintentional copying’ daw na nangyari, heto pa ang kuda ko (paki-unfollow/unfriend na lang ako sa nasasaktan na sa mga sinasabi ko):

“Ang malupit kasi nito, valedictory address ang kinopya para gawing valedictory address din niya. Let that sink in: valedictory address. Hindi birthday speech. Hindi excuse letter.

“Valedictory address na inilalaan sa pinakamagaling sa batch. Heto pa. Sa academic institution nangyari, sa highlight ng reason for being ng isang academic institution, ang magpatapos ng mag-aaral na nagtamo ng katalinuhan.

“Sa isang institusyon na kabawal-bawalan ang mangopya at nagtataguyod ng katapatan. Tapos, ano ang katwiran ng institusyon, “unintentional copying” daw? Ah ayos.

“Pwede pala kayo mangopya ng project, ng report, ng gawa ng iba, as long as sabihin ninyong unintentional kapag nabuko.”

Continue reading below ↓

Marami pang puna sa pahayag ng CSPC, pero meron din namang pumuri sa pagtatanggol nila sa kanilang estudyante:

Netizens weigh in on

Continue reading below ↓

IS PLAGIARISM PUNISHABLE BY LAW?

Ayon sa ulat ng reportr.world, ang plagiarism ay pagnanakaw sa akda ng iba, base na rin sa Department of Justice legal opinion noong 2012.

Bahagi ng legal opinion ng ahensiya: “It is an act of intellectual dishonesty, which assumes more gravity when committed in the context of an activity that puts premium precisely on the production of original creative work.

“Therefore, plagiarism, at its core, is a breach of standards of honesty, integrity and justice.”

May kaparusahan ba ito sa ating mga batas na umiiral?

Ayon sa DOJ, meron itong kaparusahang multa at pagkakakulong base na rin sa Intellectual Property Law ng bansa.

Nakasaad dito: “Plagiarism per se is not punishable as a crime under the IPC (Intellectual Property Code) unless it also amounts to copyright infringement.

“Thus, even if plagiarism is committed, there is no copyright infringement if the copyright of the work has already expired and there is no longer any legal ground to enforce the copyright of the original author.”

Continue reading below ↓

May mga ligtas din sa isyu ng copyright gaya ng “news of the day and other miscellaneous facts having the character of mere items of press information, as well as any official legislative, administrative or legal text, are not copyrightable.

“The over-arching rule is that, whenever applicable, the author and the work are given proper attribution and acknowledgement,” sabi pa ng DOJ.

Ayon sa batas, “plagiarism that amounts to copyright infringement is punishable by P50,000 to P150,000 for the first offense, three years and one day to six years of imprisonment and a fine of P150,000 to P500,000 for the second offense, and six years and one day to nine years of imprisonment and a fine of P500,000 to P1,500,000 for the third and subsequent offenses.”

Read: EXPLAINER: Can You Go to Jail for Plagiarism in the Philippines?

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Erika Poturnak undergoes breast reduction surgery: “Best decision of my life”
Next post Show your #MayaMoneyMoves, dance with the country’s top TikTok stars