
Nanay ni Erik Santos, pumanaw na: “She is finally home with Jesus. I love you so much, Nanay.”
Pumanaw na ang ina ni Erik Santos na si Angelita Ramos Santos kahapon, November 25, 2022, sa edad na 66.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi ng Kapamilya singer sa kanyang Instagram account.
Nag-post si Eric ng larawan ng kanyang ina, at nilagyan ng caption na: “She is finally home with Jesus. I love you so much, Nanay.”
Sa October 9, 2022 episode ng ASAP Natin ‘To, matatandaang humingi si Erik ng prayers para sa paggaling ng kanyang ina. Iyon din ang kanyang birthday wish sa pagdiriwang niya noon ng kanyang 40th birthday.
Inawit ni Erik noon ang “Wind Beneath My Wings” kasama ang bunsong kapatid na si Hadiyan.
Hiling niya noon sa fans at viewers, “I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing.
“Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings,’ yun po yung kanta ko sa kanya.”
Naibahagi rin niya noon ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya dahil sa kondisyon ng kanyang ina.
Sabi ni Erik: “It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya.
“So, pag napanood niya ito, alam kong magiging masaya siya dahil yung kantang ito.
“And on my very special day, I would love to honor her and to say that I love you so much, Mommy.”
Binanggit din niya na ang kanyang ina at ama ang heroes ng kanilang pamilya.
Wala naman siyang sinabi noon kung ano ang karamdaman ng kanyang ina, na labas-pasok sa ospital simula noong February.
Nang dalhin muli ito sa ospital noong September 13 ay hindi na inilabas hanggang sa bawian ng buhay.
Bumaha naman ang pakikiramay sa aktor ng mga fans ng kanyang mga kaibigan, mga kasamahan sa ASAP at iba pang celebrities gaya nina nina Ogie Alcasid, Kyla, Jugs Jugueta, Yeng Constantino, at Zsa Zsa Padilla.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/