Moira dela Torre responds to “hindi magkaanak” comment of netizen

Hinangaan ng maraming netizens ang mahinahon ngunit may sipang sagot ng singer na si Moira dela Torre sa isang basher sa Facebook.

Sa isang post ni Moira, may isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang angking kagandahan. Pero aanhin daw ito kung hindi naman siya magkakaanak.

Buong komento ng netizen (published as is): “Khit anong ganda ng isang tao, pag hnd mag kaanak.”

Nakuha kaagad ng netizen ang atensiyon ni Moira.

Ayon sa singer, dadagdagan pa niya ang maiksing komento ng netizen.

Sabi niya, “sge ituloy ko po para sayo, bigyan narin ktang options teh parang nahirapan po kayo e…

“’kahit anong ganda ng isang tao, pag hnd mag kaanak……’

“maganda pa rin / hindi pa tamang oras / wala sa tamang tao / choice nila yon / wala kang pakialam. [thumbs up emoji]

Dagdag pa ni Moira, pangarap din niyang maging ina balang araw. Pero tigilan na raw ang panghahamak sa mga babae kung sila man ay kayang mag-anak o hindi.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “pangarap ko din maging nanay balang araw, pero marami tayong kayang gawin bilang babae hindi lang pagaanak kaya itigil mo yang pagsukat ng halaga ng mga babae sa kung kaya niya mag-anak o hinde hindi po maganda yan. Goodmorning.”

Moira dela Torre answers basher

Sa ngayon, tahimik na ang buhay ni Moira matapos ang hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May 31, 2022, sabay na inanunsiyo ng estranged couple sa social media ang kanilang paghihiwalay ng landas matapos lamang ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Dalawang beses ikinasal ang dalawa: una sa isang civil wedding noong January 8, 2019 at pangalawa ay sa isang garden wedding sa Tagaytay noong January 14, 2019.

Read: Moira Dela Torre and Jason Marvin Hernandez: Wedding moments we love!

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Australian fascism in a single image … Nazi police pepper spray elderly woman after throwing her to the ground. Psychiatrist’s life’s work
Next post How does bitcoin support globalisation?