
Model Mari Jasmine weds non-showbiz boyfriend
Masayang inanunsiyo ng English-Japanese model na si Mari Jasmine ang pag-iisang dibdib nila ng non-showbiz boyfriend na si Michael Concepcion.
Si Mari ay model-host, habang si Michael ay isang fashion retailer.
Ipinakita ni Mari ang wedding photo nila ni Michael ngayong Miyerkules, November 23, 2022.
Isang off-shoulder at long-sleeved bridal gown ang suot ni Mari, habang ang kanyang nobyo ay naka-black suit.
Idinaos ang kanilang kasal sa Sydney, Australia, kung saan citizen si Mari.
Caption ni Mari: “One of the craziest weeks of my life but happy to finally call you my husband!!!”
https://www.instagram.com/p/ClSZvBcPfjK/?hl=en
BEST WISHES FROM CELEBS
Mabilis na nagpaabot ng congratulatory messages ang mga kaibigan ni Mari mula sa showbiz.
Kabilang dito sina KC Concepcion, Anne Curtis, Jericho Rosales, at Iza Calzado.
Natuwa rin para sa kanya sina Bianca King, Dominique Cojuangco, at Dani Barretto.
MARI ON FINDING HER FOREVER PARTNER
Low-key si Mari pagdating sa kanyang love life.
Pero noong October 2, 2022, naglabas siya ng jowa reveal sa pamamagitan ng kuha niya ng photo-booth pictures nila ni Michael.
Nasundan ito ng happy news niyang malapit na rin silang magkaanak.
November 13 nang aminin niyang siya ay buntis at engaged na rin sila ni Michael.
Sabi ni Mari: “Our greatest adventure yet [heart emoji] I spent years not knowing where life would take me but I’ve never been so sure that this is the path I was meant to be on. Can’t wait for the 3 of us to walk down the aisle!”
Si Mari ay ex-girlfriend ng Kapamilya actor na si Sam Milby.
August 2016 nang kumpirmahin ni Sam na magkasintahan sila ni Mari, pero naiulat ang kanilang breakup noong September 2018.
Dati ring nakarelasyon ni Mari ang film director na si Samantha Lee.
NOOD KA MUNA!
ON BEING AN LGBTQIA+ ADVOCATE
July 2018 nang isapubliko ni Mari na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community.
Sa ngayon, suportado pa rin ni Mari ang LGBTQIA+ community base sa kanyang IG post na hiling niya na mapatupad ang “SOGIE equality” para maging legal din ang pagsasama ng LGBTQIA+ couples.
“Our world only becomes a better place with more diverse kinds of love,” bahagi ng IG post ni Mari nitong November 23, 2022.
News Philippines today at https://philtoday.info/