Miss USA 2022 R’Bonney Gabriel addresses allegations that her win was rigged

Itinanggi ni Miss USA 2022 R’Bonney Gabriel ang mga alegasyong may daya ang kanyang pagkapanalo sa national beauty pageant sa U.S.

Si R’Bonney, 28, isang Filipino-American, ay kinoronahang Miss USA 2022 sa pageant na ginanap sa Nevada noong October 3, 2022.

Pero nabalot ng kontrobersiya ang kanyang pagkapanalo dahil may mga kapwa kandidata siyang nag-post sa social media at inakusahang may dayaan umanong nangyari.

Alegasyon nila, “unfair,” may “favorite,” at “rigged” ang pageant.

Ilan sa mga kandidatang nag-akusa sa Miss USA organization ay sina Miss Montana Heather Lee O’Keefe, Miss Georgia Holly Haynes, at Miss New York Heather Nunez.

R’BONNEY SPEAKS UP

Pero isa-isang sinagot ni R’Bonney ang mga alegasyon na kumukuwestiyon sa kanyang pagkapanalo.

“I wanna start by saying it was not rigged because I would never enter any pageant, or any competition that I know I would win.

“I have a lot of integrity,” hayag niya sa October 7 episode ng E! News.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tinukoy din niya na marami sa mga alegasyong ito ay nagsimula dahil sa maraming sponsors na kumuha sa kanya kasunod ng kanyang pagkapanalo.

Ang siste, ilang oras kasi matapos manalo ni R’Bonney, may ilang sponsors na nag-post na sa social media ng promotional videos na tampok si R’Bonney.

Gaya ng akusasyon ni Miss Georgia Holly Haynes. Aniya, ilang oras lamang matapos makoronahan si R’Bonney, inilabas na ng Miss USA sponsor na resort ang commercial nito na tampok si R’Bonney.

Paano raw makakapag-shoot agad-agad ng commercial kung kakapanalo pa lang ni R’Bonney?

Giit ni R’Bonney, bago pa man ang grand coronation day, marami nang sponsors ang nakikipagtrabaho sa mga kandidata, gaya ng pag-shoot ng commercials.

Kaya pagkatapos ng grand coronation, ipo-promote ng sponsors ang nagawang commercials manalo man o matalo ang isang kandidata.

Nagpaliwanag din si R’Bonney ukol sa isang spa na naglabas ng commercial niya ilang oras lamang matapos manalo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang spa na ito ay Miss USA sponsor at sponsor na rin ni R’Bonney noong makoronahan pa lamang siya bilang Miss Texas USA.

Ibig sabihin, kinunan na si R’Bonney ng commercial noong Miss Texas USA pa lamang siya.

Inilabas naman ang spa na ito ang finished commercial ni R’Bonney matapos niyang makoronahang Miss USA dahil Miss USA sponsor din ang spa na ito.

ON RELATIONSHIP WITH FELLOW CANDIDATES

Hindi rin daw alam ni R’Bonney kung saan nanggaling ang isyung hindi siya nilapitan ng mga kapwa niya contestants matapos niyang manalo.

Kung ang tinutukoy daw na isyu ay hindi siya nilapitan sa entablado matapos niyang makoronahan, ito ay dahil na-cut short ang pag-ere ng pageant.

“And then when I went back to the girls, they all hugged me.

“So I was really unaware of all that [issue].

“I got along with all the girls I’ve encountered,” paniniyak ni R’Bonney.

Nais daw ni R’Bonney na linawan ang mga maling paratang sa pageant.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I think there are a lot of allegations coming out that aren’t true. I would talk to anybody because I want to be transparent and I want everybody to know that there was no unfair advantage and nothing was rigged.

“As a titleholder and as Miss USA, I don’t want girls to think that this is how pageantry works.

“This is to celebrate women who worked very hard and I have respect for all of women who showed up on that stage.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Dutch government move Amsterdam peace rally on Sunday involving David Icke away from Dam Square – but organisers going to court in effort to overturn this fascist decision. Now there are THREE counter-demonstrations planned against me – including the ultra-Zionist CIDI and EXTINCTION REBELLION. Where are you Klaus? Shouldn’t you be there to see your stooges at work? Ha, ha. All their knickers are in such a twist over me – they are frightened little boys and girls claiming to be ‘powerful’ when one man can make them cancel the laxative order. It really is pathetic (please share)
Next post Synthetic everything: Smells like bean spirit? Your next latte could be made from coffee grown in a lab