Miss Universe 2018 Catriona Gray says Miss Grand Philippines 2022 Roberta Tamondong “deserved so much better”

Kabilang si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga dismayadong Pinoy pageant fans sa hindi pagpasok sa Top 10 ng pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International 2022 na si Roberta Tamandong.

Nabigo si Roberta na maiuwi ang korona at titulo sa grand coronation ng Miss Grand International 2022 na ginanap sa Sentul International Convention Center sa Bogor Regency, West Java, Indonesia, noong Martes ng gabi, October 25, 2022.

Read: Brazil, kinoronahang Miss Grand International 2022; Roberta Tamondong, hanggang Top 20 lang

Kahit hanggang Top 20 lang ang narating ni Roberta, puring-puri ng Pinoy pageant fans ang kanyang naging performance.

Kabilang si Catriona sa nagpahayag ng paghanga sa kapwa beauty queen.

Sa isang Instagram post ng pageant page na Titas of Pagentry noong October 25, ipinaabot ni Catriona ang kanyang panghihinayang.

Nag-comment siya sa video na ipinost ng Titas of Pagentry kung saan makikita ang pagrampa ni Roberta sa finale show.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasang comment ni Catriona (published as is): “Haaay, She deserved so much better, performed sooo well. I’m so proud [sad and pink heart emoji].”

Agad din namang sumagot dito si Roberta: “Awww thank you ate Cat! [sad and heart emoji].”

Catriona-Roberta

Hindi man pinalad magkaroon ng puwesto sa Miss Grand International 2022, buong-buo pa rin ang pasasalamat ni Roberta sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa naging laban niya.

Read: Miss Grand International gets bashed for mocking Miss Universe; loses about 2.2M Instagram followers

Sa kanyang Instagram Story noong October 26, sinabi ng Pinay beauty queen na umaasa itong naipagmalaki siya ng kanyang mga kababayan kahit hanggang Top 20 lang ang inabot niya.

Aniya, “Philippines, I hope I made you proud! [Philippine flag emoji].

“I’m coming home tonight. Maraming Salamat sa pagsuporta. [smiling, heart emoji].”

Catriona-Roberta

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilisan din siyang nag-live sa Instagram para personal na magpasalamat sa kanyang fans.

Mensahe ni Roberta, “Hello everybody, thank you so much. I’m doing great because I know I did my best.

“I’m super happy… and all the girls they deserve it so much.”

Naniniwala si Roberta na nabigo man siya ngayon ay darating din ang tamang panahon para sa kanya.

Aniya, “It’s jus a matter of time, you know?

“God knows what’s best for me and kung ano ang para sa akin in the future.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sampung edisyon ng Miss Grand International, first runner-up pa lang ang pinakamataas na puwesto na nasusungkit ng Pilipinas.

Ito ay nakuha nina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020.

Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation

Samantala, napanalunan ni Miss Grand Brazil Isabella Menin ang titulo at korona bilang Miss Grand International 2022.

First runner-up si Engfa Waraha ng Thailand.

Second runner-up si Miss Grand Indonesia Andina Julie, 3rd runner-up si Miss Grand Venezuela Luiseth Materán, at fourth runner-up si Miss Grand Czech Republic Mariana Becková.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post David Icke Issues Emergency 2030 Alert!
Next post Elon Musk, Echoing ADL Talking Points, Says New Twitter Policy is ‘Freedom of Speech, But Not Freedom of Reach’