Miss Grand Puerto Rico 2020 Fabiola Valentin, Miss Grand Argentina 2020 Mariana Varela get married

Love wins para sa dalawa sa Top 10 ng Miss Grand International 2020 na sina Fabiola Valentin ng Puerto Rico at Mariana Varela ng Argentina.

Sinorpresa ng dalawa ang pageantry world dahil sa kanilang announcement na ikinasal sila sa Puerto Rico noong October 28, 2022.

Ayon sa caption ng Instagram post ni Fabiola nitong October 30, matapos ang isang taon nilang paglilihim sa kanilang relasyon ay binuksan na nila ito sa mga taong malapit sa kanila sa pamamagitan ng isang sorpresang okasyon.

At ito nga ang kanilang pag-iisang dibdib.

Buong caption ni Fabiola (translated in English): “After deciding to keep our relationship private, we opened the doors to them on a special day. 10/28/22 [heart, ring, sparkle emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Fabiola Valenti?n ???? (@fabiolavalentinpr)

Sa 40-second Instagram Reel, makikita ang mga pinagsamahan nilang bakasyon, pagliliwaliw sa beach, engagement, marriage proposal, at ang kanilang pagpakasal.

Ikinasal ang dalawa sa isang korte dahil makikita sa short clip na nasa harap sila ng Centro Judicial de San Juan (Judicial Center in San Juan, Puerto Rico).

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Fabiola Valentin marries Mariana Varela

Noong August 2022 naman, nagbahagi ang dalawa ng larawan na may caption na, “A summer with you.”

View this post on Instagram

A post shared by MARIANA VARELA (@marianajvarela)

Masaya naman ang Miss Grand International Organization sa nangyari sa kanila.

Pagbati nila sa pamamagitan ng Instagram: “Congratulations to both of you.
MGIO always support “LOVE” without boundaries [heart emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NUOD KA MUNA!
View this post on Instagram

A post shared by ???????????????? ???????????????????? ???????????????????????????????????????????????????? (@missgrandinternational)

Ginanap ang Miss Grand International 2020 pageant sa Bangkok, Thailand, noong March 2021. Si Abena Appiah ng USA ang nag-uwi ng korona.

Pasok sina Faviola at Mariana sa Top 10 kasama ang mga kandidata ng Czech Republic, USA, Guatemala, Thailand, Brazil, Indonesia, Malaysia, at ang kinatawan ng Pilipinas na si Samantha Bernardo.

Read: Samantha Bernardo hailed as first runner-up in Miss Grand International 2020; Miss U.S.A. wins crown

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post How the vaccines are killing people and they are calling it ‘Covid’
Next post Delivery robots queue patiently to use pedestrian crossing in Cambridge – as one asks woman passing by to press the button for them