
Miss Grand International gets bashed for mocking Miss Universe; loses about 2.2M Instagram followers
Nakatanggap ng pambabatikos mula sa maraming netizens worldwide ang post ng Miss Grand International sa kanilang Instagram account nitong Miyerkules ng gabi, October 26, 2022.
Ito ay snippet ng grand coronation ng pageant noong October 25 sa West Java, Indonesia, kung saan pinarampa sa stage ang dating titleholders ng pageant.
Sa opening logo ng nasabing segment, makikitang may isang malaking globe na graphics, sinundan ito ng dalawang capital letters na “M” at “U.”
Matapos ang ilang segundo, kunyari ay pinaputok ang letter “U” ng letter “G” sabay bagsak ng letter “I” para mabuo ang MGI o Miss Grand International.
Sabi sa caption: “10th Anniversary of Miss Grand International We have been through a lot of stories and we will continue growing and create better version of #GRAND because ‘We are GRAND the 1 and Only’ [crown emoji]
“#UniqueIndonesia #MGI #GrandExperiences #MissGrandInternational
#MissGrandInternational2022 #WeAreGRANDthe1andOnly”
View this post on Instagram
Hindi ito masyadong napansin noong grand coronation night ng Miss Grand International, pero dahil nai-post ito sa Instagram, nakuha nito ang atensiyon ng netizens.
Ayon sa netizens, tila minamaliit ng Miss Grand International (MGI) ang Miss Universe (MU), na itinuturing na pinakaprestihiyosong international beauty pageant.
Ang adbokasiya raw kasi ng Miss Grand International ay tungkol sa kapayapaan, pero parang sila pa ang nagsisimula ng giyera.
Maraming netizens ang dumepensa sa Miss Universe sa comments section ng post:
Ang Miss Universe ay isang U.S.-based pageant na nabuo noon pang 1952 o 70 taon na ang nakalilipas
Ang umbrella organization nitong Miss Universe Organization (MUO) rin ang may hawak ng Miss USA at Miss Teen USA.
Ang MUO ay pagmamay-ari na ngayon ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip.
Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe
Ang Miss Grand International ay isang Thailand-based pageant na nabuo lamang noong 2013. Ipinagdiwang nila ang kanilang ika-10 anibersaryo sa Indonesia.
Ang nagmamay-ari nito ay si Nawat Itsaragrisil, isa ring Thai businessman.
Read: Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil, sentro ng bashing
Samantala, patuloy pa rin ang pagbulusok pababa ng followers ng Instagram account ng MGI.
Mula sa 6.5 million followers, naging 4.5 million na lamang ito kahapon, October 26.
Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation
Dalawang milyon kaagad ang nalagas mula sa MGI Instagram followers dahil sa pag-boycott umano ng Vietnamese pageant fans.
Ngayong araw, October 27, nadagdagan pa ng 200 thousand ang nag-unfollow sa kanilang account kaya 4.3 million na lang ang followers nito sa ngayon.
Sa loob lamang ng dalawang araw, mahigit 2.2 million followers na ang nakaltas sa Miss Grand International Instagram account.
News Philippines today at https://philtoday.info/