Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil apologizes to Pinoy pageant fans

Mapagkumbabang humingi ng dispensa si Nawat Itsaragrisil, founder at owner ng Thailand-based pageant na Miss Grand International, sa Pinoy pageant fans sa kung anumang hindi pagkakaintindihan nitong mga nakalipas na taon.

Nasa Pilipinas ngayon si Itsaragrisil, kasama ang Top 9 ng Miss Grand International 2022, para pangasiwaan ang launching ng Miss Grand Philippines sa ilalim ng ALV Pageant Circle ni Arnold Vegafria.

Galit ang karamihan sa Pinoy pageant fans kay Itsaragrisil.

Inakusahan nilang “luto” o “cooking show” ang Miss Grand International dahil sa loob ng sampung taon na isinasagawa ang beauty pageant, wala pang Philippine representative na nananalo ng korona, kahit malalakas ang ipinapadala nating mga kandidata.

Sa kanyang opening speech sa launching ng Miss Grand Philippines nitong Huwebes ng gabi, November 24, 2022, sa Hilton Hotel Manila, Pasay City, sinabi ni Itsaragrisil na kalimutan na kung ano man ang mga nangyari dahil iisa lang naman daw ang mithiin sa mga pageant na ganito.

Pahayag ng Thai beauty-pageant director, “I do apologize if anything happened before, if it happened, or if you’re thinking something happened.

“Any rumor, anything, leave it there. We stop now.

“Now and the future is most important. We are the same world, we the same mission. The most important, we must learn together.”

Sa question-and-answer portion naman ng programa, naitanong kay Nawat ang tungkol sa kaliwa’t kanang bashing sa kanya at sa pamunuan ng MGI.

Bahagi ng sagot niya, “In the past, already ten years, you see Ali Forbes, ten years already, she’s still beautiful.”

Si Ali, na dumalo sa pagtitipon, ang kinatawan ng Pilipinas sa kauna-unahang Miss Grand International, noong 2013, kung saan siya ay itinanghal na third runner-up.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Nawat, “So we have so many story about Miss Grand International, MGI. In between of the Philippine fans, organization, some rumor…

“First of all, in behalf of our organization, okay, I can say, I do apologize if you’re not comfortable with anything with MGI…

“So please try again to understand each other because of MGI is very normal beauty pageant platform.

“We do a lot of production, we do a good result, we do a lot of activities.

“At this moment, I can say, very sincere, it’s not easy to produce beauty pageant contest during the time of economic crisis in the world.”

Pero pinilit daw nilang hindi mag-suffer ang quality ng Miss Grand International sa kanilang 25-day activities bago ang coronation night.

Sa taong 2023, ang representative ng Pilipinas sa MGI ay makakasama nila ng halos isang buwan sa Vietnam.

Aniya pa, “Different people, different kind of thinking. How can we say? I say that already that I do apologize in behalf of MGI, but I hope we can start again from today because its 10 years anniversary already.”

Sinabi rin ni Nawat na hindi na siguro magtatagal at makukuha na ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong golden crown sa MGI.

Hindi rin daw siya nagpapaapekto sa bashers at haters.

Hindi raw kasi makabubuti sa imahe ng MGI kapag pumatol siya sa bashers.

Aniya, “But I can say, I don’t angry with any article. I don’t angry because it not prove our organization, not prove myself.

“The most important prove myself is the quality of the production and the viewer during the time of live, more than two million watching, and now more than 15 million viewer for the final night.”

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Kaya pakiusap niya sa fans na dismayado sa MGI: “Return, come back to us. We walk together. Let’s work together!”

Ang pinakakontrobersiyal na nangyari sa ika-10 anibersaryo ng Miss Grand International nakaraang October 2022 ay ang pag-aklas ng halos 2.5 million followers sa Instagram.

Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation

Hindi rin pinatawad ng pageant fans ang tila pangmamaliit ng MGI sa Miss Universe, na inamin naman ni Nawat na mas matimbang sa Pinoy pageant fans.

Read: Miss Grand International gets bashed for mocking Miss Universe; loses about 2.2M Instagram followers

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post There Have Been at Least 9 Attacks on the Energy Infrastructure Since November
Next post France: Illegal Migrant Arrested for Killing Host During Dispute Over Religion