Michelle Madrigal introduces new boyfriend four months after divorce

May bago nang boyfriend si Michelle Madrigal, 33, apat na buwan matapos masapinal ang divorce nila ng dating asawang si Troy Woolfolk.

Sa Instagram ngayong araw, August 22, 2022, nagbahagi si Michelle ng tatlong larawan niya kasama ang isang banyagang lalake.

“Canyon Lake, Texas” ang nakalagay sa location ng kanyang post.

Caption lang ng dating aktres, “Him. [smiling face emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Michelle Madrigal ???????? (@mitch_madrigal)

Hindi niya pinangalanan o tinag ang lalaki sa account nito.

Sa comments section, binati kaagad siya ng ilang celebrities kabilang na sina Jeck Maierhofer at Isabel Oli.

Michelle Madrigal posts pictures with new boyfriend on Instagram

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi niya kinumpirma sa post na sila na, isang kaibigan na mismong kumuha ng larawan ang nagsabing “cutest couple” ang dalawa.

Komento nito, “Y’all are the cutest couple [heart emoji]”

Sagot ni Michelle, “thank you for taking our photos. [smiling emoji]”

Michelle Madrigal posts pictures with new boyfriend on Instagram

Sa kanyang vlog noong August 20, nagpahiwatig si Michelle na may dini-date na siyang bago.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Yes, I started seeing someone recently and I think we’re in a very good place.

“I don’t want to put any label dahil hindi naman importante yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page.”

Dagdag pa niya, single parent din ito at divorced na rin sa dating asawa. Maigi na raw ito dahil mahihirapan siyang makikonekta sa isang lalakeng hindi pa isang magulang.

Aniya, “He’s also divorced, he’s got kids. I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya.

“And one of the things na natutunan ko after divorce and dating, like, its gonna hard to connect with someone that’s single na walang anak. Obviously kailangang single sila for me to date them.”

Si Michelle ay may anak na babae kay Troy, ang 5-year-old na si Anika.

Ikinasal sina Michelle at Troy noong April 2019 sa Texas.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Michelle Madrigal marries American boyfriend in Texas

Inanunsiyo nila ang kanilang hiwalayan noong August 2021 kasunod ang pag-file nila ng divorce.

Read: Michelle Madrigal, husband Troy Woolfolk now separated; file for divorce

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 198 methods of nonviolent action, but they all come down to one word: NO!
Next post Video vs. The Mind