MGI’s Nawat Itsaragrisil explains longtime rift with Miss Universe; MGI’s IG account loses more followers

Tila umamin si Miss Grand International (MGI) founder at owner Nawat Itsaragrisil na pinatutsadahan talaga ng MGI ang Miss Universe organization.

Kaugnay ito ng kontrobersiyal na AVP ng MGI kunsaan waring tinalbugan ng mga letrang “MGI” nang i-superimpose ito sa mga letrang “MU” sa video na pinalabas sa grand coronation night ng MGI noong October 25, 2022 sa Indonesia.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, October 27, naglabas si Nawat ng pahayag gamit ang wikang Thai.

Sinabi ni Nawat na may malalim na pinanggalingan ang waring parunggit ng MGI sa Miss Universe sa lumabas na MGI AVP noong coronation night.

Paliwanag ni Nawat, noong nagsimula pa lamang ang MGI noong taong 2013 ay kinasuhan ito ng Miss Universe.

Nawat Itsaragrisil admits taking a swipe at Miss Universe

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2013 nagsimula ang Thailand-based beauty pageant na Miss Grand International (MGI).

Ayon sa Google translation ng kanyang IG Story, inalala ni Nawat na hindi nagustuhan ng Miss Universe ang logo ng MGI na kahalintulad daw ng lumang logo ng Miss Universe.

Ang logo noon ng Miss Universe ay black and white figure ng isang babae na umiikot habang nakataas ang kamay at nakapamaywang.

Ang logo naman ng MGI ay kulay gold na figure ng isang babae na umiikot habang nakataas ang kamay at nakapaymaywang.

Miss Universe, Miss Grand International old logos

Sabi pa ni Nawat, dinemanda din sila ng Miss Universe noong taong 2014 dahil sa sash na ginamit ng MGI para sa kandidata ng America. “Miss Grand USA” ang nakasaad sa sash nito.

Ayaw daw ng Miss Universe na gamitin ang salitang “USA”, kaya pinalitan ng MGI at ginawang “Miss Grand United States of America” ang nakalagay sa sash ng kandidata nito na mula sa Amerika.

Hinaing pa ni Nawat, kamakailan lamang ay tinawag daw na “circus” ni Miss Universe 2011 Leila Lopes ng Angola ang MGI.

Buong post ni Nawat (base sa Google translation): “That MGI made a clip, the MU logo was because back in 2013 MU opened before it was sued MGI used the logo like MU to change even though it was just like 2014 MU sued MGI that used the name USA in the sash, so changed to use the full name and many more.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“As MGI was recently hit, Leila MU2011 posted that MGI is a circus stage. In fact, MGI is passive, but MU itself, or does it keep him silent all the time, until some fans of the beauty queens who have just come to follow me think that MU is still expensive?”

Nawat Itsaragrisil admits taking a swipe at Miss Universe

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ON HUGE DECLINE OF MGI’S INSTAGRAM FOLLOWERS

Noon namang October 26, 2022, tila nang-uuyam na ipinagmalaki ng Miss Universe ang pagtaas ng kanilang Instagram followers na lagpas na sa 5 million habang sinusulat ang artikulong ito..

Read: Miss Universe boasts about crossing 5M Instagram followers; takes a swipe at Miss Grand International?

Sa kabilang banda, patuloy na bumagsak ang number of followers ng MGI Instagram account.

Isang araw matapos ang kanilang 10th anniversary coronation, lumagapak sa 4.5 million ang followers ng MGI sa Instagram account, gayong mayroon silang 6.5 million followers bago ang grand finals.

Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation

Nitong nakaraang October 25, dumausdos pa ito sa 4.3 million.

Miss Universe, Miss Grand International battle of Instagram followers

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

At ngayong Biyernes, October 28, 2022, nasa 4.2 million na lamang ang followers ng MGI.

Miss Grand International folowers

Nalagasan na sila ng halos 2.3 million followers.

Pinaghihinalaang nagkaroon ng malawakang pag-unfollow ang Vietnamese fans ng MGI matapos hindi makapasok sa Top 10 ang kanilang pambato.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pfizer Set to Seek Approval for Its ‘Covid’ Fake Vaccine for US Babies This Winter
Next post New Zealand and Scotland’s Progression into a Life Controlled by Digital IDs