Mayor Niña Jose takes the blame for late class suspension in Bayambang, Pangasinan

Inako ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose ang kasalanan sa late na pagdedeklara ng suspension of classes dahil sa tropical storm Florita na nananalasa sa Luzon ngayong Martes, August 23, 2022.

May kapangyarihan ang mga alkalde ng mga lungsod at munisipalidad na magkansela ng klase sa mga paaralan kapag may kalamidad at trahedya.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Niña ang kanyang saloobin dahil sa bashing na natanggap niya.

Late na raw kasi siya nakapagdeklara ng class suspension ngayong araw, ayon sa ilang komento sa kanyang Facebook.

Kung pagbabasehan sa kanyang post, mga alas-otso na ng umaga siya nag-anunsiyo na suspendido na ang mga klase sa private at public schools sa kanilang bayan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Niña, “Daming hanash!! [white heart emojis] pasensya na po late Ang revision ng announcement of suspension of classes, pinagisipan ng mabuti if worth it or not Ang Pag suspend- Sayang po efforts of [f]a[c]e to face classes and teachers, Sayang Ang edukasyon, Sayang Ang oras.. so Pasensya na po ulit.”

Sa huli, inako niya ang sisi dahil mahalaga raw sa kanya ang edukasyon ng mga bata. May nauna naman daw siyang anunsiyo pero hanggang pre-school lamang.

Sabi ni Niña, “I take the blame, and sorry if Sayang sa pamasahe nyo and all the gas.

“Last night nagpost na po kami sa Balon Bayambang suspension of classes until prep Lang because, education is a priority of mine, but because of the weather and state of some, some I repeat and not all schools, we decided to suspend up to high school altogether.

“I do take the blame and Pasensya na po ulit. Haha maybe dapat Hindi ko nalang rinevise para Wala na umaway sakin [laughing emojis] good morning ulit!!!! Hahaha Sana super perfect nalang akong tao [laughing emojis] parang kayo hahaha perfect [laughing emojis]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag pa niya, bukod sa pagiging punong lungsod, ina rin siya na isinaalang-alang ang pag-aaral ng anak.

Aniya, “I do take the blame, parents should use their own discretion- I am a parent my son is grade 1 and late ko na din nasuspend.. and the thing is I really am the parent of the whole town- INA ng bayan so I do take the blame.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako naman siyang hindi na ito mauulit.

Sabi niya, “This will never happen again. Next time Wala pang Baguio suspended na lahat haha super advance.”

Niña Jose baptism of fire

Samantala, sinuspende na ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas pati na ang mga trabaho sa opisina ng gobyerno sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Military Is Developing “Cognitive Warfare” Weapons
Next post ‘Surveillance’ tech including a doorbell with night vision, an eyelid-tracking dash cam and an autonomous drone that patrols your garden dominates at CES amid rising privacy concerns