Mayor Niña Jose claps back at bashers after Bayambang bridge collapse

Hindi natiis ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose ang ilang batikos sa kanya ng netizens kaugnay sa pagbagsak ng Wawa Bridge o Carlos Romulo Bridge na sakop ng kanyang bayan nitong nakaraang October 20, 2022.

Read: Mayor Niña Jose warns Bayambang residents to stay away from collapsed Wawa Bridge

Masakit daw sa kanya na tawaging “corrupted” at nadamay pa ang kanyang dating trabaho bilang artista kung saan binansagan siyang “starlet” ng ilang netizens.

Sa Facebook ngayong Sabado ng gabi, October 22, ipinaliwanag ni Mayor Niña na sobrang luma na ng bumagsak na tulay.

Naitayo ito noon pang 1945 o may halos pitong dekada na ang nakaraan.

Dumaan naman daw ito sa repairs noong 1980s pero sobrang tagal na rin nito.

Ang pinakahuling inspection daw dito ay nitong nakaraang July 2022 lamang.

Lahad ng alkalde [published as is], “This is the last time that I will be explaining FACTS about the Carlos Romulo bridge. the bridge is NOT a project of the LGU. It is a project of the National Government and the DPWH.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“It connects two provinces, Tarlac and Pangasinan. There are 2 stories to this bridge.

“One is it was made during 1945, refurbished during the 80s and checked by the DPWH last July 2022 after the earthquake.

“The other story is this bridge was made during the early 90s. Our LGU (MDR and Engineering) also checked the bridge after the earthquake. Ang nagbigay ng initial findings na overload po Ang dahilan ng pagguho ng bridge eh Ang DPWH.

“May mga checkpoint din po Ang bridge bago dumaan and mga Sasakyan at truck at meron ding mga signages Kung ano po Ang weight limit.

“Siguro po dahil sa kadahilanan na napakatagal na at madami po dumadaan dyan, bumigay na Ang bridge.”

Hindi na raw niya matiis ang pang-aalipusta ng ilan kahit na nagtatrabaho siya, kasama ng kanyang buong gobyerno, matapos pumutok ang balitang bumagsak ang nasabing tulay.

Dagdag niya, “Kaya napakasakit po sa damdamin ko na may mga nagsasalita ng kung ano ano, corrupted daw, pati pagiging artista ko eh dinamay tinawag pa ako na ‘starlet’ we are doing the best that we can, siguro po yung engineer na gumawa ng bridge na yan eh wala na po sa Mundo kung 1945 pa ginawa yan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya Hindi na po natin sya matatanong. Kaya tigilan nyo na po Ang sisihan and pagsalita ng mga Kung ano ano, please remember there is such a thing as LIBEL nowadays and Cybercrime.

“I am thankful to God to all my LGU family who have been working overtime and even on a weekend, Provincial Government, DPWH and other LGUs who have been helping us. Maraming salamat po muli.

“At sa aking mga Minamahal na kababayan, again, walang sawang pasasalamat sa cooperasyon at pakikiisa. Kaya natin to, Bayambangeños!!!!”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na katao ang nasugatan sa insidente at naagapan naman kaagad sila at agad-agad silang nadala sa ospital.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Police Clear Nearly 1,000 Migrants From Illegal Camp in Paris
Next post Those Vaxxed for “COVID” Are Now Walking Wireless Devices