Mavy Legaspi admits to saying “I love you” first to girlfriend Kyline Alcantara

Hindi itinanggi ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi na siya ang unang umamin at nagsabi ng “I love you” sa kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara.

Read: Kyline Alcantara, “my boyfriend” na ang pakilala kay Mavy Legaspi

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Mavy at Kyline sa Spotify Media Mixdown sa The Atrium at Endurun sa Taguig City noong October 6, 2022, naging bukas ang dalawa sa pagbabahagi ng ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Hindi nakatakas ang Kapuso couple sa tanong kung sino ang unang umamin at nagsabi sa kanila ng “I love you.”

“Wala pa,” mabilis na sagot ni Kyline na agad naman niyang binawi.

Sabi ng aktres, “Hindi joke lang, siya [Mavy].”

Hindi naman ito pinabulaanan ni Mavy at agad niyang inako na totoo nga ang sinabi ni Kyline.

Sagot ni Mavy, “Ah ako, ako talaga, ako talaga, ako yung nauna.”

Ayon kay Kyline, nagsimula sila bilang magkaibigan lang ni Mavy at hindi niya akalaing hahantong na magugustuhan nila ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Real-life couple Mavy Legaspi and Kyline Alcantara’s sweet moments at the GMA Gala Night

Kuwento ni Kyline, “Nalaman namin na iba na yung level ng nararamdaman namin, siguro noong iba na yung pakikitungo namin sa isa’t isa.

“I mean, parang best friend pero parang more on, like… alam mo yung meron sense of clinginess, affection, ganun.

“Ayun na yung time na parang lagi mo na siyang hinahanap-hanap.”

Kaagad itong sinang-ayunan ni Mavy.

Saad niya, “Perfect. Tama yung sinabi niya, ayun na yun.”

MAVLINE PODCAST

Kabilang sina Mavy at Kyline sa mga celebrity na gumagawa na rin ng sariling podcast.

Sa kanilang podcast na MavLine On Me, tinatalakay ang mga karanasan nila bilang artista at magkasintahan para mas lalo pa silang makilala ng kanilang mga tagahanga.

Read: Mavy Legaspi pens sweet birthday message for Kyline Alcantara

Itinuturing na “passion project” ng dalawang Kapuso stars angMavLine On Me.

Pagbabahagi ni Kyline, “Kami ni Mav, gusto talaga namin siya [podcast]. This is our passion project.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang nag-convince sa amin na gawin ito. Actually, kami pa nga yung nag-pitch na we want to have this na, like, kinda short, kinda series, first of all, sa YouTube ko pa lang.

“Kaya we are really thankful to Spotify dahil binigyan niya kami ng pagkakataon na magkaroon ng sariling show, we are really blessed.”

DREAM GUESTS

Pinapangarap daw i-guest nina Mavy at Kyline sa kanilang podcast ang kapwa Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Bianca Umali, at Heart Evangelista.

Ani Mavy, “Sina Ruru and Bianca talaga gusto ko silang mai-guest sa podcast namin. Kasi yung mga pinagdaanan din nila, yung mga learnings nila sa buhay, talagang relatable.

“For sure, yung mga listener din natin kung hindi man relatable, for sure is may makukuhang lessons kung ano man yung sasabihin at maipapayo nila.”

Read: Ruru Madrid finally admits real score with Bianca Umali: “We’re dating for four years.”

Para naman kay Kyline, si Heart ang isa sa gusto rin niyang makausap at makasama sa kanilang podcast.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“For me, si Ate Heart, kasi si Ate Heart… especially when it comes to love and relationship, I think she just had the best advice.”

Read: “Our Lady Heart Evangelista” grants “prayer petition” of the cheated and aggrieved

REALIZATION

Tila kinilig naman si Kyline nang mapag-usapan ang bagong discoveries nila sa isa’t isa habang ginagawa ang kanilang podcast.

Sa ngayon ay mayroon nang pitong episodes ang podcast nila sa Spotify.

Read: Mavy Legaspi-Kyline Alcantara, Gil Cuerva-Lexi Gonzales MAY MGA PAYAKAP sa basketball game!

Ayon kasi kay Mavy, bilib siya sa pagiging mabuti at creative ni Kyline.

“Every episode namin, nakikita ko na sobra at napaka-good ng puso ni Kyline. Napaka-creative niya and ang ganda ng thinking niya.

“Doon ko nakikita in every episode and every topic na pinag-uusapan namin yung dedication, puso, and mind niya, napakaganda.”

Banat naman ni Kyline, “Wala na, Mav, kinilig na ako! Paano pa ako mag-iisip kung kinikilig ako?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, in all honesty, Mav is very intelligent. Ako kasi, kung meron akong sariling understanding sa isang question o isang topic, siya [Mavy] mas malalim.

“Like, he is so intelligent and at the same time he is really a romantic person, period.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post This is the Mail ‘journalist’ who outrageously claims that I blame Jewish people for ‘Covid’. Can he please supply the evidence … ??
Next post Australian police probe video of fascist cop throwing man on floor reportedly leaving him ‘unconscious’ amid Melbourne protests