Mariel Rodriguez has funny response to “What happened to your body?” question

Natuwa ang netizens sa nakakatawang buwelta ni Mariel Rodriguez sa isang body-shamer sa Facebook live selling session ng TV host noong August 7, 2022.

Isang netizen ang nag-screen record ng parte kung saan nagbabasa si Mariel ng comments habang nagla-live selling. In-upload ito noong August 13.

Bahagi ng mga dialogue ni Mariel sa video:

“What? Napakasama naman nitong taong ito. ‘What happened to your body’ daw?

“Okay, nanganak ako, two times. Okay? Ikaw? What happened to your attitude?”

Sabay tawang sabi niya, “O, di ba, nakikipag-away?”

@shermangamboa Hahaha… be kind people!!! #fyp #foryou #foryoupage #marielpadilla #marielpadillaliveselling ? original sound – Sherman Gamboa

Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa netizens:

Mariel Rodriguez's funniest answer to body-shamer

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mariel Rodriguez's funniest answer to body-shamer

Mariel Rodriguez's funniest answer to body-shamer

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel noong June 28, 2022, sinabi niyang baka ang pagtitinda sa Facebook ang kanyang true calling.

Aniya, “Alam mo, feeling ko, yun na yung calling ko. Yun na yung gusto ko talagang maging. Gusto ko talagang maging ganun.”

Nagsimula siya sa pagbebenta ng kanyang pre-loved items noong March 15, 2022.

Nais lamang daw niyang subukan kung ano ang pakiramdam ng nagbebenta sa pamamagitan ng Facebook live, pero kaagad niya itong nagustuhan.

Lahad pa niya, “Pag may pinupuntahan akong lugar ‘tapos makikita ko yung mga madam dun, ang iniisip ko, ‘Oh my gosh, gusto ko maging kliyente itong mga ito.’

“Ganun na yung iniisip ko talaga sa kanila every time. ‘Tapos they always tell me na, ‘Hoy, nanonood kami ng live mo!’ ‘Mag-mine ka naman!’

“Sobra ko siyang nae-enjoy. ‘Tapos umabot na sa point na nape-pressure ako. For example, may magme-message na ‘tapos maghahanap sila ng item.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit hindi pa ako ready i-let go yung bag na yun dahil sa kagustuhan kong maka-provide dun sa mga nag-i-inquire sa akin, binebenta ko na rin.

“Umabot na ako sa ganun! Or, may type rin ako sa labas na, ‘Ay, magugustuhan ito ng mga bumibili sa akin!’ Alam mo yun?

“Sila na yung iniisip ko kasi sobra na akong nakapasok talaga dun sa pagiging live seller ko. I have so much fun doing it.”

Read: Mariel Rodriguez finds true calling and happiness in live selling

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Amazon Echo’s Privacy Issues Go Way Beyond Voice Recordings
Next post The Maddening Persistence of Covid Travel Restrictions and Mask Mandates