Mariel Padilla regrets prank call to Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Boy Abunda

Nakunsiyensiya si Mariel Padilla sa ginawang prank kina Anne Curtis, Boy Abunda, at Bianca Gonzalez.

Nakiuso si Mariel sa prank calls para sa kanyang vlog content.

“Bumabaliktad yung tiyan ko, feeling ko para siyang empty.

“Never again. This is the first time and last time that we are ever going to do a prank call,” sabi ni Mariel sa pagtatapos ng kanyang YouTube vlog noong September 29, 2022.

Noong simula ng video, excited pa si Mariel sa konsepto ng gagawin niyang video.

Sabi ni Mariel sa pagsisimula ng vlog, “Prank call, alam mo iyon, para makiuso. Kunwari Gen Z. Cool ang mommy na ito. Makiki-prank-prank ako.”

Pero nagbago ang ihip ng hangin matapos niyang maisakatuparan ang pagpa-prank.

Iyon na raw ang una at huling beses niyang gagawa ng prank call.

BIANCA GONZALEZ

Ang unang tinawagan ni Mariel ay ang kaibigang si Bianca Gonzalez, na matagal nakasama bilang host ni Mariel sa Pinoy Big Brother.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang senaryo, tatawagan ni Mariel si Bianca para kausapin tungkol sa kunwari’y nabalitaan ni Mariel na pamba-backstab sa kanya ni Bianca.

“Which Bianca doesn’t do…” buwelo ni Mariel bago tawagan si Bianca.

Nang sagutin ni Bianca ang tawag, sinabi ni Mariel na nabalitaan nito na tinawag siyang “super arte” at “lumaki ang ulo” ni Bianca.

Sinundot pa ito ni Mariel na may sinabi raw hindi maganda si Bianca tungkol kay Robin Padilla, asawa ni Mariel.

mariel padilla prank call

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig na nagulat si Bianca, subalit kalmado itong nagpaliwanag kay Mariel at itinanggi ang akusasyon dahil hindi nito kayang gawin ang ibinibintang sa kanya.

“That’s so bizarre,” sabi pa ni Bianca.

At saka umamin si Mariel na prank call ang ang ginawa kay Bianca.

Dinig sa boses ni Bianca ang pagkagulat nito at sinabing hindi niya inasahan ang prank call sa kanya ni Mariel.

ANNE CURTIS

Sumunod na tinawagan ni Mariel si Anne Curtis, na matagal ding nakasama ni Mariel sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Ang senaryo, nagkaroon ng malaking pag-aaway sina Mariel at Robin at hiniling ni Mariel kung puwede siyang tumuloy pansamantala kay Anne.

Halatang nataranta si Anne at sa isang punto ay nautal pa ito.

Pero sinabi niyang tutulungan niya si Mariel sa kanyang problema.

Hindi na pinatagal ni Mariel ang pagpapanggap at sinabing prank call ang ginawa kay Anne.

Maririnig na tumili si Anne at inamin niyang lubos siyang kinabahan sa tawag ni Mariel.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

mariel padilla prank call

BOY ABUNDA

Ang huling tinawagan ni Mariel ay ang manager nitong si Boy Abunda.

Sinabi ni Mariel na kailangan niya ng PHP5 million dahil sa karneng binili na kasing-dami ng isang container van.

Ani Boy, na naistorbo sa isang Zoom meeting, tawagan siya muli ni Mariel dahil may maaari siyang kausapin para solusyunan ang problema ni Mariel.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na rin pinatagal ni Mariel ang prank at umamin kay Boy.

Sinabi naman ni Boy na handa niyang tulungan si Mariel kung naging totoo man ang senaryo.

mariel padilla prank call

Tinangka ni Mariel na tawagan din ang It’s Showtime hosts na sina Amy Perez at Karylle subalit hindi sumagot ang mga ito sa tawag.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

MARIEL REGRETS prank

Nairaos man ang challenge, inamin ni Mariel na na-guilty siya sa prank calls sa mga kaibigan.

“Nanginginig na din ako. Meron palang guilt feeling ang prank na ito, ‘no.

“Meron guilt feeling na parang inaano mo yung mga kaibigan mo na wala namang inaano sa iyo…” may halong birong sabi ni Mariel.

Hindi raw inakala ni Mariel na mahirap pala ang mag-prank call.

“I thought that this prank thing would be easier. I thought kayang-kaya ko siyang gawin kasi malakas yung loob ko…

“Pero pag andon ka na pala, ang hirap pala niyang gawin.

“It’s really stressful pala talaga. Because papa-worry mo pa yung tao.”

Ani Mariel, marahil hindi inasahan ng kanyang mga kaibigan na sasabak din siya sa prank-call challenge.

“Because matanda na kami, 38 na ako… hindi nila iisipin na papatulan ko pa yung prank-prank na iyan.

“Hindi ko pala siya kaya. Hindi ko pala kayang mag-prank. It’s not me.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa susunod magluto-luto na lang tayo. Share ng recipe…”

Dagdag ni Mariel, “Hindi ako maka-get over doon sa mga ganap.

“Wag na tayong pausuhin ang prank na ito. Iba na lang, kasi hindi ko po nakaya.”

ON HAVING TRUE FRIENDS

Sa kabilang banda, na-flatter din daw si Mariel sa reaksyon nina Bianca, Anne, at Boy.

“It’s really important to have friends who are true to you.

“No matter what the situation, whatever the situation be, alam mo that you have friends you can run to.

Dagdag ni Mariel, “I chose those people, specifically, because I know that they are the friends that I can truly count on no matter what the situation is.

“I knew na we have a very good relationship.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post “PayPal, You Messed With the Wrong Guy”
Next post Climate Protesters Glue Hands To Porsche Showroom — Then Complain After Realizing They Have No Way to Pee