Marcus Madrigal on financial challenges during pandemic: “Nagtinda kami, di lang food, anything…”

Hindi nangimi si Marcus Madrigal na ibahagi na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay pinasok niya kahit simpleng pagkakakitaan.

Iyon daw ang paraan niya para kumita sa gitna ng kakulangan ng trabaho.

Si Marcus ay limang taon nang kasal sa kanyang non-showbiz wife at mayroon silang limang taong gulang na anak.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Alam mo, bata pa lang naman ako sanay na ako sa hirap. Hindi mo naman masasabing mahirap talaga, middle class lang.

“May pros and cons ang nangyaring pandemic, mahirap kung sa mahirap, pero it’s an eye-opener for me, for everybody yung nangyari.

“Parang itinuro ng Diyos sa atin na, like yung simpleng bagay, like time with your families.

“Nung pandemic, dun mo na-realize yung small things, sila yung mga very important things at dun mo naa-appreciate ulit.”

Kahit simpleng pagkakakitaan ay nasubukan daw ni Marcus.

“Nagtinda kami, di lang food, anything, everything, basta puwedeng ibenta. Meryenda, kung anu-ano, basta legal.

Continue reading below ↓

“Yung nangyari sa pandemic, yung pera nawalan ng kuwenta. Lahat kayo pantay-pantay. It’s an eye-opener talaga.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Marcus sa story conference at media launch ng Pamilya Sa Dilim noong June 28, 2022.

ON BEING PART OF PAMILYA SA DILIM

Napanood sa pelikulang Rainbow Sunset at gumanap bilang kontrabida sa GMA-7 series na Prima Donnas, masayang-masaya si Marcus na bahagi siya ng pelikulang Pelikula Sa Dilim.

Kasama niya rito sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Allen Dizon, Ina Feleo, at iba pa.

“Sobra-sobrang thankful talaga. Actually, sa ngayon marami talaga ang gumagawa ng mga films, indie films, pero this time amazing na rin especially the cast, ang bigat ng cast members and the director,” saad ni Marcus.

“To be honest, napakahirap gumawa ng pelikula ngayon, dumaan yung pandemic, di pa rin normal yung buhay natin, so blessed talaga. Sobrang wow at sobrang tuwa ko na naging part ako dito.

Continue reading below ↓

“Saka yung character na ibinigay nila sa akin, although support, ang ganda. Yung character ko mabibigyan ng justice, may twist.

“Kaya sabi nga nila, di lang puchu-puchu na character so excited na ako talaga.”

Labis din ang pasasalamat ni Marcus na kahit mahigpit ang kumpetisyon sa showbiz ay hindi pa rin siya nawawalan ng mga ginagawang proyekto.

Aniya, “Sa awa ng Diyos, kahit papaano for the longest time. Ang artista naman nandiyan lang naman.

“Pero sa ngayon, stiff ang competition, ang daming artista ngayon. Ang daming klase ng kind of media—may YouTube, TikTok and everything—so dun pa rin tayo magbabase sa classical way.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Heart Evangelista slams basher’s “It’s all about the boobs” comment: “Should I remove mine?”
Next post Luis Manzano admits thoughts about quitting showbiz: “People will never understand…”