Manu Franco of Dominican Republic wins Mister International 2022; PH bet MJ Ordillano 4th runner-up

Ang representative ng Dominican Republic na si Manuel “Manu” Franco ang itinanghal na Mister International 2022.

Tinalo ni Manu ang 34 na contestant mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa grand coronation night na naganap nitong Linggo ng gabi, October 30, 2022, sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Si Mister International India Lukanand Kshetrimayum ang itinanghal na first runner-up.

Second runner-up si Mister International Venezuela Orangel Dirinot, habang nakuha ni Mister International Hong Kong ang third runner-up placement.

Nanalo naman bilang fourth runner-up ang Philippine bet na si MJ Ordillano.

Samantala, si Mister International Spain Juan Pablo Colias ang nagwagi bilang fifth runner-up.

Bukod sa grand winner at placers, narito ang iba pang contestant na pasok sa Top 10:

Napabilang naman sa Top 16 semi-finalists ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang special awards din ang ipinamigay sa grand coronation night ng Mister International 2022.

Bukod sa titulo, nakuha rin ni Manu ang award for Best in Formal Wear. Best in Swimwear naman si Mister International Spain Juan Pablo Colias.

Mister Photogenic ang nakuha ni Surasak Muangkaew ng Thailand.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mister Personality ang award na nakuha ni Mister International AlbaniaBoris Gurtner.

Ang Japanese candidate na si Ryo Yatogo naman ang binotong Mister Congeniality ng mga kapwa kandidato nito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Best in National Costume ang kandidato mula sa Indonesia na si Jason Julius.

Si Neil Perez ang huling titleholder ng Mister International na mula sa Pilipinas. Nanalo siya noong 2014.

READ MORE:

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Fourth Industrial Revolution Will Lead to Fusion of Physical, Digital and Biological Identities – Schwab (2019)
Next post Russia Rejects EU’s $60 Oil Price Cap, Will Cut Off Countries That Endorse