Maggie Wilson appeals for help after estranged husband Victor Consunji allegedly kicked her out of her house

Labis na ikinagalit ni Maggie Wilson ang pagpasok ng mga tauhan ng estranged husband niyang si Victor Consunji sa pamamahay ng actress-beauty queen nang “no notice, no warrant, and no proper paperwork.”

Nangayari ito sa bahay ni Maggie sa Taguig bandang alas kuwatro ng hapon ngayong Biyernes, July 15, 2022.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maggie ang videos na kuha ng kanyang kapatid na babae.

Makikita rito ang mga tauhan ng VCDC at DMCI—mga kumpanyang parehong pagmamay-ari ng real estate mogul na si Victor—na pumasok sa kanyang tahanan kasama ang mga tauhan ng barangay.

Nag-serve daw ang mga ito ng notice para i-padlock ang bahay.

Ayon sa isang nagpakilalang Bernie Mendoza, “Since pag-aari po ito ng DMCI, ise-secure po namin. Ang gagawin lang po namin, papalitan lang po namin ang padlock. At kung ano man po yung mga gamit na nasa loob, kung hindi man po sa amin, ay puwede pong doon tayo sa opisina para makuha.”

Continue reading below ↓

Nang nakapasok na raw ang mga tauhan sa bahay, ipinakita ng mga kamag-anak ni Maggie ang kontratang nagsasaad na may karapatan manirahan ang actress-beauty queen sa nasabing bahay.

“They then laughed, very loudly, and left the property,” sabi ni Maggie matapos makita ang hawak na papeles.

Wala si Maggie nang nangyari ang insidente dahil nasa business trip siya sa kasalukuyan.

Umalma ng “harrassment at intimidation” si Maggie kaugnay ng insidente.

“I am currently away on business and I’m scared for mine, and my family’s life,” saad pa niya.

Ramdam daw ni Maggie na harassment ang nangyari kaya nanawagan siya ng tulong mula sa awtoridad.

Apela niya: “I urge our government and others to please step in and do something immediately.

“I plea with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines. Especially to women. Day in and day out.”

Continue reading below ↓

Ipinakita rin ni Maggie na pinutulan na ng kuryente ang kanyang bahay. Hindi naman daw brownout dahil may ilaw ang kanilang mga kapitbahay.

Maggie Wilson cries foul over notice of house ejection

Wala pang pahayag ang VCDC at DMCI ukol sa reklamong ito ni Maggie.

September 2021, inanunsiyo nina Maggie at Victor ang desisyon nilang maghiwalay matapos ang halos labing-isang taong pagsasama.

Continue reading below ↓

Sa kanilang joint statement, nakasaad na kahit hiwalay na sila ng landas, magiging “partner” sila sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nilang si Connor.

Post ni Maggie sa Instagram noon: “We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

“We will always love and support each other no matter what.

“We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.

“We have remained really good friends and partners and will continue to do so.

“Both of us want nothing more than for each other to be happy.”

Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Ruffa Gutierrez says “walang return of the comeback” with ex-husband Yilmaz Bektas
Next post 10 things to know about Joaquin and Julio, sons of Gelli de Belen and Ariel Rivera