Luis Manzano admits thoughts about quitting showbiz: “People will never understand…”

Inamin ng TV host-actor na si Luis Manzano na dumating na sa puntong naisip niyang huminto na sa pag-aartista.

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Francine Diaz na may titulong “GGG with Luis Manzano + Lie Detector Challenge” na in-upload noong July 16, 2022, sumalang si Luis sa lie-detector challenge habang sinasagot ang mga tanong.

Isa sa mga tanong ni Francine kung mayroon na bang pagkakataong gusto na niyang umalis sa showbiz.

“Oo,” mabilis na sagot ni Luis.

Ngunit kabaliktaran nito ang lumabas na resulta sa lie-detector device na nagsabing nagsisinungaling ang TV host.

Agad itong pinabulaanan ni Luis at sinabing totoong sumagi sa kanyang isip noong mag-quit sa showbiz.

Saad niya, “Pero totoo… yung ibang mga tao talaga hindi alam kung papaano ang industriya.

“Ang nakikita nila most of the time ay yung glitz and glamour na lang, yung finished product na masarap maging artista, maganda ang income.

“Pero kung alam niyo lang kung gaano rin… I mean, hindi na ako magloloko, matanda na ako — kung gaano rin kadumi ang industriya, kung papaano talaga.

Continue reading below ↓

“People will never understand, akala nila madali tayong pag-usapan.”

Ayon pa sa I Can See Your Voice host, mayroon siyang mga kaibigang pinagtatawanan ang kapwa nila artista pag ito’y may issue at nagte-trending. Naisip daw niya na kung sa kanya mangyari iyon ay ganoon din kaya ang kanilang magiging reaksiyon?

“People have no idea na ang daling sumakay sa issue. Ayun yung hindi maintindihan ng ibang tao, masarap gawin, enjoy, masarap mag-chikahan at lahat-lahat with other people.

“Siguro kung hindi ka malakas both [sa isip at puso], makakakain ka nang hindi oras.

“Kapag mga ganyan na bumubuhos na ang mga negativities, mapapaisip ka rin talaga na, ‘Bakit ba hindi na lang ako mamuhay nang tahimik, nang normal?'”

Sa kabila ng mga ito ay naniniwala si Luis na pinagpala pa rin ang mga kagaya niyang artista na nakapagbibigay saya sa kanilang mga tagahanga.

Ito raw ang nagbibigay motibasyon sa kanyang ipagpatuloy pa ang kanyang showbiz career.

Continue reading below ↓

“At the same time, you realize na iyong ibinigay sa atin na blessing ay hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

“Na ngumiti ka lang sa camera, you take one picture kunwari nasa mall ka, may magpa-picture sa ‘yo, yung 10 seconds na ibibigay mo sa kanila kung ano man yung problema niya sa araw na yun, makakalimutan niya nang dahil sa iyo.

“Kaya [para] sa akin, ayun din naman yung nagpapabalik din naman sa akin pag naiisip ko na ayoko na, rest muna ako,” pahayag ni Luis.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Marcus Madrigal on financial challenges during pandemic: “Nagtinda kami, di lang food, anything…”
Next post Former gasoline boy Jonell Calisin, now an architecture graduate after 9 years in college