Loisa Andalio speaks up on plastic surgery rumors anew: “Your body, your rules.”

Nilinaw ni Loisa Andalio sa pangalawang pagkakataon na wala siyang ipinaretoke at -pinabago sa kanyang katawan.

Noong January 7, 2021, unang nag-react si Loisa sa kumakalat na isyu na malaki raw ang ipinagbago ng kanyang hitsura at mukha raw siyang nagparetoke.

Mariin itong itinanggi ni Loisa at sinabing wala siyang kahit isang ipinagawa sa kanyang katawan.

Read: Loisa Andalio reacts to “retokadang-retokada ang fez” comment

Sa kanyang Twitter post noong Sabado, August 19, 2022, muling nagsalita ang Kapamilya actress tungkol sa hindi matapus-tapos na komento ng mga netizen sa anila’y pagpaparetoke niya.

Tweet ni Loisa (published as is), ” Ang dami ko po nababasang comment, at hindi din rin ako mahilig sumagot sa ganito pero gusto ko lang po linawin na wala po akong retoke kahit .1% at wala rin po akong balak.

“Hindi rin po ako against sa mga nag pa enhance..your body, your rules.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa kanyang followers.

May mga nagpatotoong “purong natural” ang ganda ni Loisa, na matagal nang nakasubaybay sa kaniya simula pa noong naging housemate siya sa Pinoy Big Brother (PBB) noong 2014.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

Loisa Andalio

Loisa Andalio

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Petition Launched to Probe FDA’s Conflict of Interest in Health Risks from Cell Phone and WiFi Radiation
Next post German Researchers Examine ‘Covid’ Fake Vaccines and Fake Vaccinated People’s Blood and Say Stop Fake Vaccinations Immediately