
Leon Barretto hopes to reconcile with dad Dennis Padilla
Bukas si Leon Barretto, bunsong anak nila Dennis Padilla at Marjorie Barretto, sa pakikipag-ayos sa ama sa tamang panahon lalo’t ang hiling naman niya lagi ay kapayapaan para sa lahat.
Nung Hunyo ay hindi napigilan ni Leon na i-post sa kanyang Instagram ang hinaing sa ama na sana ay tigilan na nito ang public shaming sa kanilang mga anak nito, lalo’t tila ito ang nakikitang paraan ng ama para makipag-ugnayan sa kanila.
Ito ay matapos mag-post si Dennis sa kanyang social media account ng kanyang hinaing na hindi man lang siya naalalang batiin nina Julia, Claudia at Leon nung nakaraang Father’s Day.
Lalo lang lumalim ang away sa pagitan ng mag-aama nang magpa-interview si Julia kay Karen Davila at umaming hindi pa siya handang makipag-ayos sa ama dahil nandun pa ang takot at sakit na nagsimula nung bata pa siya.
Dito ay sinabi ni Dennis na kalahati lamang sa katotohanan ang nalalaman ng mga anak nila ni Marjorie.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Leon sa nakaraang Awit Awards 2022 na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World nung nakaraang November 23, agad naming tinanong si Leon kung bukas ba siya sa pakikipag-ayos sa nakatampuhang ama sa kabila ng mga masalimuot na mga pinagdaan nila.
LEON HOPES FOR RECONCILIATION WITH DAD
Aniya, “Of course, in God’s perfect timing. I’m for peace naman, I really trust in God’s timing talaga. I keep emphasizing that kasi importante talaga yun. Time lang talaga.
“For me naman, I also miss my Dad but time heals all wounds. At the end of the day, ang importante lang talaga, when we reunite peacefully na. God’s perfect timing but I’m really open to reconciliation and peace with my father.”
Sa post ni Leon tungkol sa hinaing nito kay Dennis nabanggit nito na sana ay hindi gamitin ng ama ang social media para ibahagi ang mga hinaing sa kanila na nagiging daan para i-bash at magmukha silang masasamang mga anak.
Naniniwala pa rin si Leon na ang mga pribadong bagay lalo na pagdating sa problema ng isang pamilya ay mas magandang pinag-uusapan nang priibado.
Pahayag niya, “I believe when it comes to that, you should talk privately, pero at the end of the day like I’ve said, all I want is peace with my Dad.”
LEON HAPPY FOR RECONCILIATION BETWEEN MARJORIE AND SISTERS
Marami ang natuwa na magkakasamang sinalubong ng mga Barretto ang Bagong Taon sa kabila ng tampuhan ng mga magkakapatid. Positibo din si Leon na sa tamang panahon ay magkakaayos din ang ina at mga tiyahin niya.
Lahad niya, “Of course, I’m very, very happy, at the end of the day all I want is peace lang talaga. Yun ang importante din sa akin, peace and happiness, and we got to celebrate it very calm and it’s a wonderful celebration as well. My other relatives were there also, it’s very fun.
“Magkaayos? Of course, in God’s perfect time. Si Mommy? Yes naman, of course, she also believes in God’s perfect timing and she’s for peace.”
LEON GRATEFUL TO MOM MARJORIE
Nang kumustahin namin si Marjorie, masayang binalita sa amin ni Leon na busy ang mommy niya sa pag-aasikaso sa kanilang mga anak. Ayon nga sa binata, napakasuwerte nilang magkakapatid sa pagkakaroon ng ina na tulad ni Marjorie.
NOOD KA MUNA!
Kuwento ni Leon, “She’s doing well. She’s a fulltime mom, busy rin siya sa YouTube channel niya. She’s also a social media influencer at this point, so she also has work on the side and she focuses on my younger siblings as well. Kasi si Mommy she takes Erich to school every day, so full time mom din siya, busy din siya.”
“Ako, I’m really, really blessed that my mom is Marjorie Barretto because di ko alam how she did it, e. She raised five kids on her own, she’s very independent, she’s very strong. Honestly, she’s one of the role models I have in life. Madami na akong natutunan na values, lessons na I can take sa future ko after college, in real life na, di ba? Ako I’m very, very blessed that she’s a perfect mom, she’s amazing.”
Hiling din ni Leon kung darating na sa punto na magkaka-girlfriend at mag-aasawa, isang babaeng tulad ng ina ang mapangasawa niya.
Sabi niya, “Yes, of course, that’s the goal. Hopefully as intelligent, as beautiful, as strong like my mom. Independent as well.”
LEON SUPPORTS JULIA-GERALD RELATIONSHIP
Pagdating naman sa relasyon ng kanyang Ate Julia, all-out naman ang suporta nito sa boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Pagmamalaki niya, “I consider Kuya Ge as my kuya at this point. He brings out the best in Julia and Julia brings out the best in him as well, I notice that as well. I’m really, really happy that both of them are happy and they live a peaceful life.”
Sa bali-balita namang may balak na raw pakasal ang dalawa, aprubado naman ito kay Leon.
Pakli niya, “I would be very, very happy. At the end of the day what most important is my sister’s happiness. Happiness ng kapatid ko na si Julia.”
LEON NOT CLOSING DOORS ON POSSIBLE SHOWBIZ CAREER
Kahit nasa dugo ni Leon ang pagiging artista, di naman nagsasarado si Leon sa posibilidad na pasukin din niya ang pag-aartista.
Diin niya, “I’m not closing my doors. If may opportunity, why not?
“Pero for now I want to focus on my studies. I’m on my second year in college, so two more years pa.
“Mabilis din ang panahon, actually it’s because of Claudia. When she finished college, that’s when I realized that time really flies talaga.
“For me, no excuses for now. I really want to focus on college first, then let’s see. I’m not closing that door.”
News Philippines today at https://philtoday.info/