Lalaki sa Misamis Oriental, patay matapos manalo sa laklak challenge for PHP20K

Ang dapat sana ay masayang inuman ay nauwi sa isang trahedya sa Misamis Oriental noong October 2, 2022.

Ang isang grupong nag-iinuman, nagkasundo sa isang “laklak challenge” kapalit ng instant prize na PHP20,000.

Kumasa ang anim na magbabarkada sa game na pabilisang makaubos ng isang long neck—750 ml. na alak sa loob ng 20 segundo.

Nanalo si Richie Elleso Dumaloan, 29, at tinalo ang limang kainuman.

Nang maubos ang alak, sumigaw pa si Richie ng “Para ni kang Papa!” o para sa kanyang ama dahil may karamdaman ito at kailangang magpagamot.

Pero ilang segundo matapos manalo, bumagsak si Richie. Isinugod siya sa ospital.

Kinabukasan, October 3, binawian siya ng buhay.

Lahad ni Police Major Renz Serrano, officer-in-charge ng Villanueva, Misamis Oriental Police Station sa ulat ng One PH, “Siya ang unang nakatapos at siya lang ang nakaubos.”

Ayon kay Serrano, kumasa sa challenge si Dumaloan para makatulong sa pagpapagamot ng amang maysakit.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ilang sandali lamang matapos ang laklak challenge, natumba si Richie at nakaranas ng lock-jaw kaya isinugod siya sa ospital ng mga kasamahan.

Pumanaw siya kinabukas, October 3, Lunes.

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police para matukoy ang cause of death ng biktima.

Pero sabi ni Mary Jane Fernandez, ka-live-in ni Richie, may history ng heart attack ang biktima.

Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, plano sanang magpakasal nina Richie at Mary Jane sa darating na Disyembre.

May tatlo silang anak.

DRINK MODERATELY

Ang paliwanag ng eksperto, ang sobra-sobrang pag-inom ng alak ay maaaring mauwi sa comatose o kaya ay pagkamatay, ulat ng One PH.

Sabi ni Dr. Bernard Balatbat, clinical nutrition specialist/ pediatrician: “Puwede nangyari kasi sa sobrang bilis ng pag-inom niya, yung alak napunta sa lungs, puwedeng ganoon…

“Or puwede rin naman sa sobrang dami, hindi naka-catch up ng liver mo na i-clear ang alcohol, kaya yun, biglaan nag-collapse, hindi na naka-recover yung utak.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ito raw ang dahilan kung bakit kapag umiinom ng alcohol ay dapat drink slowly at moderately.

“Dahan-dahan dapat uminom ng alcohol. Namamatay nang unti-unti yung nerves mo so yung pain nato-tolerate mo nang nato-tolerate without realizing na pinapatay ka na ng alcohol. Nakakaya na ng katawan mo…”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post How are NFTs safer for your Enterprise?
Next post David Icke banned from European Union countries for two years – that’s how TERRIFIED THE CULT IS OF HIM. This is the letter we just received from Netherlands immigration… (now translated into English) PLEASE SHARE EVERYWHERE YOU CAN.