Kylie Padilla quashes rumor she’s pregnant with Gerald Anderson’s child

Mariing pinabulaanan ni Kylie Padilla, 29, ang kumakalat na intrigang nabuntis siya umano ni Gerald Anderson, 33.

Base ito sa mga YouTube at TikTok videos na naglabas ng cut-to-cut na litrato ni Kylie na may baby bump at mga litrato ng Kapuso actress kasama ni Gerald sa Switzerland.

May voice-over pa ang videos na waring nag-uulat na nagkahulugan ng loob sina Kylie at Gerald, at ito ang sanhi ng hiwalayan umano ng Kapamilya actor at girlfriend na si Julia Barretto.

Ilan sa mga click-bait headlines na ginamit sa YouTube: “Shocking! Gerald Anderson SUMAGOT NA at handang PANAGUTAN ang Anak nito kay Kylie Padilla!”

“BUKING! Kylie Padilla Dahilan ng Pagkakalabuan ni Julia Barretto at Gerald Anderson.”

“Confirm! Kylie Padilla BUNTIS KAY Gerald Anderson 1 MONTH PREGNANT NA!”

Pero fake news ang mga ito.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras ngayong Martes ng gabi, August 23, 2022, diretsahang nilinaw ni Kylie ang isyu.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala pong katotohanan sa mga lumalabas,” napahalgapak ng tawa na bungad ni Kylie.

Hindi mawari ni Kylie kung matatawa o maiinis siya sa nagpakalat ng malisyosong impormasyon tungkol sa kanila ni Gerald.

“Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else!

“Nakakainis, ang dami! It’s so out of this world.

“Naba-bother lang ako na baka may maniwala, e,” dagdag ni Kylie.

Binigyan ng malisya ang mga litrato nina Kylie at Gerald na kuha sa Switzerland.

May shooting sila roon para sa upcoming film nila na Unraveled; at naka-publish ang mga litrato sa social media accounts ng Mavx Productions, na producer ng pelikula.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Wars In Space & 5G Control – David Icke
Next post Scientists discover ‘Strange Crystalline Formations’ in the blood of the ‘Covid’ Fake Vaccinated