Kristzan Karlo Delos Santos is first runner-up at Mister Grand International 2022

Namayagpag ang Pilipinas sa mga international male pageant.

Matapos mapanalunan ni Jovy Bequillo ang 1st Man Hot Star International title sa Bangkok, Thailand, tinanghal naman na first runner-up at Best in Formal Wear sa 5th Mister Grand International ang Philippine delegate na si Kristzan Karlo Delos Santos ng Imus, Cavite.

READ: PH bet Jovy Bequillo wins Man Hot Star International in Thailand

Ginanap ang grand finale ng fifth edition ng Mister Grand International nitong Biyernes, November 25, 2022 (Sabado nang umaga sa Pilipinas, November 26) sa Southern Academy for the Performing Arts sa San Fernando, Trinidad and Tobago.

Para makatiyak na tama ang kanyang isasagot sa question-and-answer segment, ipinaulit ni Kristzan ang tanong ng pageant host.

Ang tanong: “Which is easier for you, lying to yourself or lying to everyone?”

Sagot ni Kristzan, “It is easier for me to lie to everyone because we all know that if you lie, your truth will be questionable.

“But I’ve always been true to myself, and I think, what matters most is believing in myself and what I can do and what I can show to the world that’s why even lying to others wouldn’t matter.”

Si Michael Pelletier ng Switzerland ang nanalo na 5th Mister Grand International, first runner-up si Kristzan, second runner-up si Aaron Tan ng Singapore, si Aquil Ramsahai ng Trinidad & Tobago ang third runner-up, 4th runner-up si Vu Linh ng Vietnam, at 5th runner-up si Teaniva Dinard ng Tahiti.

Kristzan Karlo Delos Santos at Mister Grand International 2022

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga hindi nakakaalam, ang Mister Grand International Organization Philippines ang nagtatag ng Mister Grand International, na walang kaugnayan sa Thailand-based beauty pageant na Miss Grand International.

Pangunahing layunin ng Mister Grand International na maghanap ng mga kalalakihan na magiging kinatawan ng kanilang misyon at panawagan na pangalagaan ang pambansa at pandaigdigan na kapayapaan para mapagbuklod ang sanlibutan o sangkatauhan.

MORE PAGEANT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Attorney Iluminada Muñoz Vaflor Fabroa, 82, oldest female climber ng Mount Apo
Next post Opposition to 5G Increases in the Big Apple; Community Boards Take Action to Stop Deployment