Krissy Achino reveals plan to retire from impersonating Kris Aquino

Si Krissy Achino ay isa sa mga sikat na local digital influencers ngayon, at ang tunay niyang pangalan ay Chino Liu.

Nagtapos siya sa Letran College sa kursong AB Communication Arts noong 2017. After a few months ay pinasok niya ang pagiging content creator sa YouTube.

Kilalang celebrities ang kanyang ini-impersonate sa vlogs niya at ang pinakatumatak ay ang panggagaya niya kay Kris Aquino.

“Krissy, kasi since si Kris yung ini-impersonate ko. But my real name is Chino kaya yung my last name is Achino. It was really Willie Revillame na nagkabit ng Achino,” paliwanag ni Krissy.

Lumabas si Krissy as guest sa programa ni Willie na Wowowee noong May 2019, at simula noon ay nagmarka na ang kanyang pangalan sa showbiz.

Unang na-meet ni Krissy nang personal si Kris five days before his birthday noong Nobyembre 27, 2019 sa Glorietta Mall, Makati City.

At doon sinabi raw ni Kris sa kanya, “I like you because you have the correct diction.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman lingid kay Krissy ang pinagdadaanang health problem ni Kris. Almost two months na ring walang ipinu-post si Kris sa kanyang Instagram.

Sa huling IG post ni Kris ay nagpaalam siya sa kanyang followers at nag-promise pa siya sa caption na magpo-post ulit siya kapag may good news siya.

Nagkakapalitan ba sila ng mensahe ni Kris?

Ayon kay Krissy, “Once lang, yeah. Ang huling message namin, uhm, tinanong ko yung condition niya. She’s 35.8 kilos, yeah.

“So, medyo talagang nag-deteriorate yung health niya.”

Kailan ‘yan?

“Uh, I think two months ago. Before rin siya mag-post nung parang goodbye niya on Instagram. Medyo matagal na rin.”

Meron ba siyang mensahe na nais iparating kay Kris?

“Ako, talagang praying for health kasi hindi rin biro, e. Hindi rin biro yung condition niya.

“And sana kung anuman po yung ginagawa niya sa ibang bansa ay makatulong din sa pagpapagamot niya.

“Of course, ang prayers ko makabalik siya, di ba? Kasi kapag nakabalik siya, makabalik din ako.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read related stories:

ON KRIS TELLING KRISSY TO TRY OTHER CHARACTERS

Sa kondisyon ni Kris ngayon, hindi ba naiisip ni Krissy na itigil ang panggagaya niya sa TV host-actress?

“Actually, yeah, I have plans of retiring it,” sambit ni Krissy.

“Ngayon kasi, kumbaga yung ginagawa ko, as long as hindi ko siya dini-disrespect as long as wala naman akong sinasabing anything personal that feeling ko ikagagalit niya, tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-i-impersonate sa kanya.

“Pero, of course, as time goes by kailangan ko ring kumawala.”

Nang magdiwang si Kris ng kaarawan noong February 14, 2022 ay imbitado rin si Krissy.

Balik-tanaw ni Krissy sa usapan nila ni Kris noon: “And actually, nung nagpunta ako two years ago, nung birthday niya sa Shang [Shangri-La], siya na mismo ang nagsabi na, ‘Try mo iba. Try mong kumawala sa Krissy.’ Kumbaga, create different characters.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paglilinaw muli ni Krissy, maganda ang intensiyon niya sa pag-impersonate kay Kris.

“Actually, naha-happy ako. May mga ganyan akong questions na natatanggap.

“Pero naha-happy ako kasi kahit wala siya sa mainstream or wala siya sa mga balita ngayon, or walang shows, kumbaga, nakikita pa rin nila si Kris. Kasi kahit saan nakikita rin ako. Ano, win-win siguro yun,” ngiti niya.

May naisip na ba siyang ibang pangalan just in case i-let go na niya ang pag-i-impersonate kay Kris?

“Siguro I’ll cut the Achino. Siguro ‘Krissy’ or ‘Tita Krissy’ if ever mag-rebrand po ako. Hindi pa rin totally. Pa-girl pa rin, yes.

“Ang hirap naman ang pangalan ko, Elizabeth. Total rebranding. Hahaha! Or Chloe. Baka hindi ninyo na ako makilala.

“Actually, may mga bago akong characters sa vlogs. Mga Aling Cely, kaso pang-digital kasi yun, e. Hindi ko nadadala pang-mainstream.”

Ano ang difference niya sa ibang nag-i-impersonate kay Kris?

“Okay,” buntong-hininga niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Close po ako kay Mama Sweet [John Lapus]. Close rin ako kay Divine Tetay.

“I always say this kaya lang alam ko hindi sila mao-offend. I’m young,” sabay titig nang mabalasik ni Krissy.

Dagdag niya, “I’m young and I’m very happy and grateful that I had the privilege na ma-acknowledge po niya, personally, aside from all the impersonators.”

ON BASHERS

Naapektuhan ba siya ng mga basher ni Kris?

“Actually, eto, open ako kasi, di ba, may elections? Pareho kaming may sinuportahan. Pareho kaming na-bash.

“Pero, kumbaga, kasama na yun sa work kaya hindi rin ako masyadong affected.

“Deadma. Pero of course, kapag nakakabasa ako ng bash tungkol sa kanya na medyo below-the-belt, nasa-sad din ako.”

Sumalang na si Krissy sa kanyang first major role sa horror-reality film na Kuta na ipinalabas sa ktx.ph noong Lunes, August 22, 2022.

Afraid ba si Krissy na baka maapektuhan ang pagpapalabas ng Kuta dahil sinuportahan niya ang ang nakalaban sa nakaraang eleksyon ng nakaupo sa gobyerno ngayon?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Krissy: “I acknowledge naman na meron tayong iba’t ibang views and opinions. Pero if you’re smart enough, it ended May 9, e.

“Kumbaga, ako, I am still a law-abiding citizen. I still love the country. Pero yung usapang kulay ng politika? It ended nung May 9.

“Lahat tayo Pilipino. We have to support the administration kung nanalo sila. We have to criticize them pag may mali silang ginawa, and that’s what normal Filipinos would do.”

Excited at proud naman si Krissy sa ginampanan niyang role sa Kuta.

“Sa Kuta po, I play as myself. And maganda yung naging flow ng kuwento because it’s authentic. Kumbaga, bagong flavor siya kasi yung mga reactions namin, totoo.

“Ibang character po ako sa Kuta. Malayo sa nakikita niyo. Pero hindi puwedeng i-reveal. Not as Krissy.”

ON BEING A CONTENT CREATOR

Bukod sa Kuta, maraming pinagkakaabalahan si Krissy.

“May upcoming movie rin po ako na ginagawa. And then, of course, vlogging because that’s my bread and butter.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, talagang I do content on YouTube, on social media and may day job din po ako. I handle din yung ibang digital creators,” ani Krissy.

Hindi ba mahirap pasukin ng digital influencer ang larangan ng pag-aartista?

“Hmm… kung kaya naman nila, e. Pero medyo mahirap kasi iba yung environment ng content creators.”

As a vlogger, aminado si Krissy na malayo pa raw siya sa hanay ng Top 10 highest paid vloggers sa bansa.

“Marami pa po na mas malaking kumikita kesa sa sakin,” mapagkumbabang sabi ni Krissy.

May mga naipundar na ba siya?

“Of course, may car po ako, new car. Galing po ‘yan sa pagba-vlog ko. I bought it last year, nung birthday ko. It’s a Geely Okavango.

“Nung nakuha ko siya, PHP1.3M, e. Hindi ko na kailangang itago kasi kapag hinanap ninyo naman, makikita ninyo, e.”

Sinu-sino ang hinahawakan niyang digital creators?

“Hindi po siya talaga business na business. But I handle other digital influencers. If you know po yung Team Payaman, I handle their brand.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung meron silang guestings on TV, I handle them. Pero hindi po ako talaga super-laking management.

“Siguro ibinibigay ko lang muna for now yung services ko sa mga close friends ko na digital influencers din.

“Pero eventually, sana magkaroon din ako ng talent management.”

krissy achino’s SHOWBIZ CRUSH

Hindi inilihim ni Krissy na wala siyang boyfriend since 2018.

“It’s a choice and at the same time ano, may trusts issues kasi ako,” sabi niya.

Pero bukas siya kung sino ang kanyang showbiz crush.

“Number one si Donny Pangilinan. Di ba, ang guwapo kasi?

“So, crush ko si Donny. Iyon yung top of line ko, si Donny.”

Kuwelang sagot ni Krissy: “Alam mo ang tawag diyan? Destiny. Hahaha!

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, what are the chances na yung ginagaya ko, ang manligaw sa akin kamukha ng ex niya, di ba?

“Pero hindi ako tumitingin sa mukha. Kung talagang feeling ko meant for each other, why not? Kahit na maging kamukha pa ni James Yap.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Draw-some! Dutch quadri-dextrous artist creates four stunning photo-like portraits using her hands and feet at the same time
Next post How Does China’s Social Credit System Work Which Is Planned For The West?