Kim Molina in tears after meeting idol Regine Velasquez again

Hindi napigilang maluha sa tuwa ng actress-singer na si Kim Molina nang muling makita ang kanyang iniidolong si Regine Velasquez.

Noong November 25, 2022, nag-post si Kim sa Instagram ng video kung saan makikita ang tagpo nang makita at mahagkan nito ang itinuturing niyang “inspirasyon.”

Mababasang caption ni Kim (published as is): “Nakita ko nanaman siya.. pasensya po [hindi] nanaman napigilan ang ate fangirl niyo.

“Love you sobra ate @reginevalcasid na nagtataka bat lagi raw akong naiiyak pag nakikita ko siya, ano raw ba ginawa niya sa’kin.”

Pagbabahagi pa ni Kim, bata pa lamang kasi siya ay iniidolo na niya si Regine na kilala sa industriya bilang “Asia’s Songbird.”

Saad niya, “Haaay Songbird.. You and your music are the inspiration that helped mold this little dreamer since the age of 2.

“Pramis next time kakayanin ko na po. Hinga po ako ng malalim.”

Dagdag pa ni Kim, “Super saya ko na naman.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ni Kim ay marami sa kanyang fans at kaibigan ang naantig sa “teary-eyed fangirl moments” niya.

Narito ang ilang mga komento:

Kim Molina fangirl

Kim Molina fangirl

Kim Molina fangirl

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Unang nakilala si Kim nang manalo siya noong 2009 sa Saudi Arabia singing competition na “The Filipino Channel (TFC) Pop Star,” na inorganisa ng ABS-CBN Middle East bureau.

Pinasok din niya ang teatro kung saan lumabas siya sa ilang musicals kagaya ngDisney’s TarzanatCarrienoong 2013, atGhost The Musicalnoong 2014.

Noong 2014, ginawaran si Kim bilang best actress ng Gawad Buhay dahil sa kanyang natatanging pagganap sa Filipino stage musical naRak of Aegis.

Matapos nito ay pinasok din niya ang mundo ng telebisyon at pelikula.

Ilan sa mga teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN ay You’re My Home (2015), Till I Met You (2016-2017), Bagani (2018), Kadenang Ginto (2018), at The General’s Daughter (2019).

Pagkatapos namang gumanap ng supporing roles sa ilang pelikula, inilunsad si Kim bilang lead star sa box-office hit na#Jowable (2019), at nasundan pa ito ngBabaeng Walang Pakiramdam(2021).

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Apartheid, Ghetto or Enslavement – Your Choice – Dr Vernon Coleman
Next post Electric vehicles are the Net Zero Zealots’ nightmare