Kim Domingo admires co-star Bea Alonzo’s congeniality: “Nagulat ako sa kanya.”

Nagkuwento si Kim Domingo kung paano si Bea Alonzo bilang katrabaho.

Kasama si Kim sa ongoing Kapuso teleseryeng Start-Up PH na pinagbibidahan nina Bea at Alden Richards.

Aminado si Kim na isa siyang self-confessed fan ng tambalan nina Bea at John Lloyd Cruz.

Kuwento niya, “First taping day ko sobrang kinakabahan po talaga ako, siyempre, Alden at kay Bea.

“Si Bea kasi, siyempre, dati napapanood ko lang siya. John Lloyd and Bea, alam naman nating lahat iyon, yung mga pelikula nila.

“Fan talaga ako, so kinakabahan ako…

Ikinatuwa raw ni Kim na may pagkukusa si Bea na lumapit at kausapin sila kapag hindi nagti-take ng eksena.

Sabi ni Kim, “Pero nagulat ako sa kanya. Very approachable siya.”

“Minsan nga ako yung nahihiya. Siya pa talaga yung nag-o-open ng topic.

“Ako, parang tameme lang ako. Ganoon siya talaga [sa set].

“Yung nag-o-open ng conversation, which is natutuwa ako kasi kahit na Bea na siya, andun pa rin yung pagiging marunong siyang makisama sa mga ka-work niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung pagiging humble niya. Masaya siyang ka-chikahan. Nakikipag-ano talaga siya sa amin, kulitan.”

Sabi ni Kim, “Hindi ko na-imagine na makakakuwentuhan ko ang isang Bea Alonzo.”

Game daw si Bea na makipagkulitan sa iba pang cast members.

Sabi ni Kim, “Marami po kasing napag-uusapan. Actually, kaming lahat naman, e, kapag wala kaming take, nagkukuwentuhan kami, ganyan.

“’Tapos siya, pupunta siya sa amin, makikipagkuwentuhan din siya. Makikipagkulitan.

“Marami kaming pinag-uusapan. Kung anu-ano lang. Pero nakakatuwa po.”

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Kim sa PEP Live noong September 29, 2022.

DISCOVERY ABOUT ALDEN

Katuparan din daw para kay Kim na makatrabaho si Alden sa serye dahil pangarap niya ito.

Nasorpresa raw si Kim nang mas makilala nang mabuti si Alden bilang tao.

“Ang nakikita ko sa kanya parang mahinhin, tahimik,” sabi ni Kim.

“Nagulat ako meron din pala siyang kalog na side. So mahilig siyang magpatawa sa set.

“Mabiro siya. May kulit din siyang tinatago, kumbaga.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So yun ang naging surprise sa akin, na ganito pala si Alden. Masaya rin pala siyang kasama. Nakikipagkulitan din siya.”

Panoorin dito ang full video ng interview sa Start-Up PH cast members na sina Kim, Royce Cabrera, at Jeric Gonzales:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Best crypto to buy right now on Reddit in 2022
Next post Government Stats Show 70 Per Cent of All Violent Robberies in Paris Carried Out by Foreigners