Karen Davila gamely answers dirty questions of vlogger Toni Fowler

Napuno ng halakhakan at tawanan ang vlog ng social media influencer na si Toni Fowler na may pamagat na “Bardagulan With Karen Davila” na lumabas may dalawang linggo na ang nakararaan.

May halong kabastusan kasi ang mga katanungan ni Toni sa ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila.

Sabi ni Toni, “So ngayon dahil andito siya sa channel ni Mommy Oni at alam niyo naman na medyo bastos si Mommy Oni at makulit, pinilit ko siya na tanung-tanungin. Okay, mabilis lang ‘to kasi may trabaho pa siya, e.”

Unang tanong niya sa award-winning broadcast journalist: “Spit or swallow?”

Karen Davila

Dito na nagkaroon ng grabeng tawanan sa taping nila ng vlog.

Humagalpak din ng tawa ang TV Patrol anchor.

Dagdag pa ni Toni, “So, pag nagre-report ka, iisipin nila na, ‘Hala, si Miss Karen, does she swallow?’ Spit po?”

Tugon ni Karen, “Hindi ko… unang-una, pagkain ba ‘to o ibang bagay? It depends. It depends. Tsokolate? Swallow.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Depends also what you spit, ha.”

Sunod na tanong ni Toni, “Top or bottom?”

Tawanan muli sa kapaligiran.

Tugon ni Karen, “All-around. Acrobatic.”

Saad pa ni Toni, “Mas makikilala po natin si Miss Karen, ako lang po ang makakapagtanong sa kanya ng ganito.”

Pagsang-ayon ni Karen, “Never ko ‘to nagawa, my God!”

Naitanong din kay Karen kung nakailang boyfriend na ito.

Aniya, nagkaroon siya ng mga anim o pitong seryoso at medyo seryosong karelasyon bago sila ng kanyang naging asawang si DJ Sta. Ana.

Sa tanong kung may nai-date siyang celebrity noon, sagot niya: “Rico Hizon. We were together for two years but he’s not a celebrity, he’s a news anchor.

“He’s also a journalist. My husband knows this naman. So, before I meet my husband, I was with Rico.”

Dagdag pang tanong ni Toni: “Daks or juts?”

Karen Davila asked about daks or juts

Takang-taka si Karen kung ano ang ibig sabihin nito kaya tinanong niya si Toni.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Tanong niya, “Ano yun? What is that?”

Paliwanag ni Toni, “Daks is malaki. Juts is maliit.”

Walang paliguy-ligoy na sagot ni Karen, “Naman, daks tayo please! Ayoko naman magpaka-plastic, walang girl na sasagot na yun…”

Sabat ni Toni, “Ng juts? Daks talaga.”

“Yeah, that’s so fake na,” pagsang-ayon naman ni Karen.

Saad ni Toni, “She’s just being honest naman. At least, di ba, alam po natin, ‘Miss Karen Davila, gusto niya po, daks.’ Yun po ang gusto niya.”

Marami pang green questions si Toni kay Karen sa nasabing vlog.

Komento ni Karen sa comments section ng kanyang vlog, “Thank you Toni for having me!!! ? Natutuwa ako sa yo, napaka totoo mong tao! And you have a big heart! Guys—pls subscribe rin kayo sa channel ko ha!”

Karen Davila comment on Toni Fowler vlog

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Artificial intelligence could be misused to design biological weapons, warn scientists after their AI came up with 40,000 potentially toxic drugs in just six hours
Next post The Killing Of The People