Kaladkaren clarifies she has no feud with Karla Estrada, Ruffa Gutierrez

Aminado si Jervi Li o mas kilala bilang KaladKaren na medyo nawindang siya sa mga kontrobersiyang kinaharap nitong mga nakaraang araw.

Unang nag-trend sa social media ang magkasalungat na opinyon ni Kaladkaren at ng kaibigang si Ruffa Guterrez sa isang contestant sa It’s Showtime.

Parehong naging hurado sa “Miss Q and A” segment sina KaladKaren at Ruffa ng Kapamilya noontime show noong August 10, 2022.

Read: Ruffa Gutierrez, KaladKaren react to being pitted against each other

Ilang araw matapos ito, muling nasangkot sa kontrobersiya si Kaladkaren matapos namang i-callout ng netizens sina Karla Estrada at Jane de Leon na kasama niya bilang hurado sa parehong segment noong August 13, 2022.

Matapos magbigay ni Kaladkaren ng kanyang comment sa “Miss Q & A” contestant, pabiro namang nag-walkout sina Jane at Karla.

Pagbalik nila ng kanilang upuan, pabirong sabi ni Jane, “Masyadong ginagalingan, e! Huwag na nga tayo dito, Ate Karla!”

Dagdag ni Karla, “Alam mo, ba’t hindi na lang pala ikaw mag-isa dito? Kayang-kaya mo naman, e!”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang Martes, August 16, 2022, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kaladkaren sa viewing party ng Drag Race Philippines sa Bonifacio Global City.

Ayon kay Kaladkaren, hindi isyu sa kanya ang waring pananabla ni Karla o ang pagkakaroon nila ng magkaibang opinyon ni Ruffa.

Alam niyang biro lang ang lahat ng mga nangyari, at wala ito sa kanya.

“Ang dami kong mga kontrobersiya nitong mga nakaraang araw—about ke Ate Ruffa, about kay Momshie Karla—but we’re all friends,” aniya.

Paglilinaw pa niya: “Iba-iba man ang mga POVs namin pero magkakaibigan kami talaga.

“Ganun talaga kami ni Momshie Karla kaya hindi ako nao-offend sa mga chika niya, to be honest. We’re really close friends.

“Like, she’s one of my best friends kaya hindi ako talaga nao-offend sa mga chika niya.

“Ganun lang talaga siya magbiro. Kung hindi mo siya ka-close, talagang mao-offend ka.”

Mensahe naman ni Kaladkaren sa netizens na patuloy silang pinagsasabong, “Love, love, love na lang tayo guys. Magkakaibigan kami, di ba?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Feeling ko nabibigyan lang ng political color kasi magkaiba kami ng sinuportahan nung eleksyon, pero we’re really friends.”

Si Kaladkaren ay sumuporta sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo, habang sina Ruffa at Karla ay sumuporta sa nanalong Presidente na si Ferdinand Marcos Jr.

DRAG RACE PHILIPPINES

Samantala, masaya si Kaladkaren dahil bahagi siya ng pioneer season ng Drag Race Philippines, ang local edition ng sikat na reality drag competition na RuPaul’s Drag Race.

Isa sa main judge si Kaladkaren kasama ang Filipino-American drag queen na si Jiggly Caliente at ang host ng show na si Paolo Ballesteros.

Nang tanungin kung anong klaseng hurado si Kaladkaren dito, pabirong sabi nito, “Mabait akong judge! Si Jiggly yung maldita.”

Dagdag niya, “Mabait ako! I’m always into constructive criticism.”

Aminado si Kaladkaren na wala sa comfort zone niya ang maging hurado sa Drag Race Philippines ngunit ito rin ang mismong dahilan kung bakit niya tinanggap ang project.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Very shy girl ako, e, sa totoong buhay. I’m very conservative.

“Pero naisip ko na we have to get out of the box.

“We have to get out of our comfort zone para mas embrace natin kung sino talaga tayo.”

Ipinapalabas sa video streaming platforms na WOW Presents Plus, Discover+, at HBO Go ang Drag Race Philippines tuwing Miyerkules, 7 p.m.

Bukod dito, mapapanood din ang behind-the-scene footage ng mga Pinoy drag queens sa Drag Race Philippines: Untucked! na ipinapalabas naman tuwing Biyernes.

READ MORE:

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Lunatic ‘study’:Testing wastewater on flights coming into fascist Australia could help screen tourists for ‘Covid’ before they even touch down
Next post Amazon Admits Employees Have Secretly Watched Ring Camera Customers