
Kakai Bautista finds her peace amid social media chaos: “Hindi ka talaga puwedeng balat-sibuyas”
Love-hate ang relationship ni Kakai Bautista sa social media. Paano niya niyakap iyon?
“Oo! Siyempre kasi, grabe ang ginawa sa atin ng pandemic, di ba?” pagmamatwid ng Dental Diva sa mediacon ng TikTalks noong Nobyembre 16, Miyerkules, sa TV5 Studio sa Reliance St., Mandaluyong City.
“Yung mental health natin, talagang na-compromise talaga. So, hindi mo na rin mababalanse sa utak mo. Saka feeling ko because of hormones talaga, kasi 44 na ako.
“So, nandun na ako sa boundary of menopausal and all. Papunta na ako sa iba talaga ang takbo ng hormones ko ngayon.
“So, I make it a point na pag hindi ko kaya ang emosyon ko, I don’t post anything on social media. Kasi natuto na rin ako, di ba?
“’Tapos, hindi ko na sineseryoso yung mga write-up sa akin, yung mga comments nila. Pag sineryoso mo kasi, it gets into you, e.
“It gets into your head, into your heart. Tama yung sabi ni Alex, hindi mo naman makakasalubong na sasabihin sa iyo na, ‘Uy! Ganyan,’ di ba?
“Parang natututunan ko na trabaho yun ng writers and vloggers, na it’s their work, that’s how they earn. So you respect that.
“Yung mga below the belt, yun lang ang medyo… maggaganun ka pero andito naman tayo. When we see each other, OK tayo, di ba? Alam mo yun?
“Nakita ko yung ganito. Ay! Sinulat, di ba? Kasi trabaho natin yun, e. That’s how we earn, that’s how we make a living.
NOOD KA MUNA!
“So kumbaga, hindi ka talaga puwedeng balat-sibuyas.”
Tinatawanan na lang ni Kakai ang trolls, bashers at haters.
“Ginagastusan ka, naglu-load, may oras sa iyo?! Kaya kagaya ni Madam, ganun din ako. Pinapaikut-ikot ko sila,” pagtatapat ni Kakai.
“’Tapos, pag natapos na ako, tatawa na ako. OK, OK na itong mga sagot ko. Babu!”
KAKAI CHOOSES POSITIVITY
Meron din bang positibong resulta iyung pagiging patola niya sa socmed? Halimbawa, mas tumibay ang friendship niya with somebody na ipinagtanggol niya?
Napatango si Kakai, “Yeah. Oo, e ako si patol pa naman ako at si tanggol ako. Minsan ako ang napapahamak, di ba?
“So deadma na lang. At least, ano ka, totoo ka lang, di ba?”
Anong maiha-hanash niya sa mga pa-screen shot o pa-screen grab?
Medyo napakunot-noo si Kakai, “Ayoko na ngang magsalita tungkol diyan pero nakakatakot. Si Kuya Alex [Calleja], sira-ulo, di ba? Nag-open ng topic. Nakakatakot yun.
“Pero I think kasi, it’s more of the friendship na nabuo ninyo sa trust. Kasi, when you’re real friends—outside showbiz, or within the showbiz community—if you really trust the friendship, para sa akin, you will not do it.
“Hindi mo ilalabas iyon. Kasi, pact ninyo iyon as friends, di ba? Puwede kang magsalita about that person when you’re angry, when you’re mad, when you’re not happy, di ba?
“Pero not that private thing about your friendship.”
Naranasan na ba niya ang ganung pagbe-betray?
“Marami nang nag-betray sa akin pero wala namang screen grab!” bulalas ni Kakai.
“Kasi nakakatawa yun, yun ang totoong Marites. Kasi kayu-kayo lang dun, e. Screen grab mo sa isang chat dito, ise-send mo sa kabilang chat group? Sa inyo lang yun, di ba?”
Naapektuhan ba siya to the point na umiiwas siya o ayaw nang makipag-chat?
Mabilis na tugon ni Kakai, “Ay! Hindi! Kasi I trust my friends. I know they trust me, and I trust them.
“So, hindi ako natatakot because sa circle ko, sa tagal na naming magkakaibigan… may mga bago akong kaibigan… I know how they work as friends.
“And yun nga ang mahirap, e. Kasi lahat ngayon, puwede mong maging kaibigan, di ba?
But sila yun, e. Hindi ko naman hawak yung mga utak nila. Ganun sila.
“So, thankful na lang din ako na I don’t have friends like that. Talagang tuturuan mo ang mind mo ng positivity, although mahirap talaga.
“Natuto na ako at natututo pa habang tumatagal. Kasi dito naman sa atin, matututo ka, e.
“Kasi, may ibang mangyayari pa sa karera mo, di ba? So, lagi kang matututo every year.
“Marami kang matututunan lalo na at nagpapalit na tayo ng buhay, puro social media na. So, you better be ready sa mga puwedeng mangyari sa buhay natin.”
KAKAI GRATEFUL FOR SHOWBIZ BLESSINGS
Pagkatapos ng First Lady na sequel ng phenomenal primetime series na First Yaya, wala pang bagong Kapuso show si Kakai.
“May mga offer naman din. Siyempre ako, naghihintay rin lang ako ng offerings ng mga networks, di ba, at ibang mga raket,” sabi ni Kakai.
Relevant pa rin si Kakai, kaya nga kinuha siya bilang isa sa hosts ng TikTalks na mapapanood umpisa Disyembre 3, Sabado ng 8:00 pm sa OnePH.
Maraming artista sa showbiz ang ngangey at walang raket.
“I think malaking bagay yung pakikisama mo, e. Natutunan ko yun, malaking bagay yung pakikisama!” pagdidiin ng Dental Diva.
“Sino ba ako?! Kakai lang naman ako, di ba? Bakit pa ako kinukuha? I think, kasi pag nandun ka sa trabaho, you do your thing, you deliver.
“And pakikisamahan mo nang maayos ang mga katrabaho mo, yung bosses, alam mo yun. Hindi yun sa pakikisipsip, e!
“You do your thing. That’s your job. Your job is to deliver kahit at the back of your mind, minumura mo na or sobrang sama na ng loob mo.
“It’s your job. You are paid to do that. You are paid to do that and you get respect, you earn other people’s respect because of that. Because you always deliver.
“Hindi mo puwedeng isama yung mga personal chu-chu mo pag nasa work ka.”
Nakita ba niya iyon sa ibang artista na nag-a-attitude o nagpa-power trip and eventually ay naglaho sa eksena?
“Meron naman. Sa awa naman ng Diyos, wala pa naman ako sa trabaho pero sa ibang mga ano, meron naman,” salaysay ni Kakai.
“Pero sila yun e, di ba? Hindi mo sila puwedeng turuan, e. They have to learn it themselves sa takbo ng karera nila, e.
“Ako kasi, natutunan ko na yun. Iniisip ko na lang lagi na, ‘Hindi, trabaho nila iyan, e.’
Minsan kasi tayo, parang… pag inaano ka ng mga staff, ‘Hindi, trabaho nila iyan, e!’
“Meron pang nasa itaas diyan na binibigyan sila ng directive. So ikaw, bilang trabaho mo rin yun na sumunod, sumunod ka.”
KAKAI’S DREAM HOUSE COMES TO FRUITION
Natapos na ang ipinagawang bahay ni Kakai sa Biñan, Laguna para sa kanyang mga magulang at kapatid.
“Sa awa ng Diyos,” matamis na pagngiti ni Kakai. “Twenty years! Twenty years kong hinintay yun bago nagawa yun.
“Kasi nga siyempre, hindi naman malaking-malaki talaga ang TF mo. Malaki siya pero siyempre kasi, yung requirement din dito sa industriya natin, kailangan yung damit mo maayos.
“Lalo na ngayon, kasi everybody’s on social media. Everything, they see. ‘Oy! Ba’t ganyan naman ang damit mo?!’
“Hindi mo naman puwedeng sabihin na, ‘Wala akong pambili.’ ‘Bakit, anlaki ng kita mo, ah?!’ Di ba? So you protect yourself and you enhance yourself and you enrich your talent, di ba?
“Visually, kailangan talaga maayos ko.”
Paano ang struggles niya para makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya?
“Siyempre mahirap, kasi pandemic ko siya ginawa. Kasi before pandemic, 2020, talagang ipapagawa ko na siya and all,” pagsisiwalat ni Kakai.
“’Tapos, biglang nawalan tayo ng mga trabaho, di ba? Santa Maria, paano?! Ibenta ko ang kaliwa kong suso, puwede ba?! Ibebenta ko ang kaliwa kong suso, saka kanan kong suso, di ba?
“So, sa awa ng Diyos, binigyan Niya ako ng trabaho. Nagtiwala sa akin ang GMA. So, mahirap yung lock-in.
“But yun na lang, e, kumbaga para tayong mga artista… sabi nga, ‘Oo, lahat tayo, araw-araw meron tayong pinagdadaanan. Pero kung nasaan ka man ngayon, ginusto mo iyan.’
“Kung ibinigay sa iyo ng Diyos, kung ibinigay sa iyo ni Lord iyan, ng universe iyan, na kung nasaan ka man, ang estado mo ay maayos, marami kang pera o marami kang trabaho… ginusto mo iyan!
“Yun lang ang lagi kong iniisip — ginusto ko ito!
“Kasi naniniwala ako na kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo ngayon, it will eventually have an impact in you in the future.
“And whatever you did in your past has an impact now, in your present status, di ba?”
News Philippines today at https://philtoday.info/