Just married: Former child actress Serena Dalrymple and fiancé Thomas Bredillet

Ikinasal na ang dating child star na si Serena Dalrymple, 32, sa kanyang fiancé na si Thomas Bredillet kahapon, October 2, 2022.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Serena ang ilang kaganapan sa kanyang garden wedding sa Amerika.

Una niyang ipinakita ang larawan niya kung saan suot niya ang kanyang puting bridal gown.

Former child actress Serena Dalrymple is now married to Thomas Bredillet

Sinundan ito ng pagbuhat sa kanya ng groomsmen.

Former child actress Serena Dalrymple is now married to Thomas Bredillet

Pati na ang pagbuhat ng groomsmen sa kanyang asawang si Thomas ay ibinahagi ni Serena sa kanyang Instagram Stories.

Former child actress Serena Dalrymple is now married to Thomas Bredillet

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-repost naman si Thomas ng Instagram Story ng kanilang kaibigan kung saan nakaupo sila ni Serena sa presidential table sa kanilang wedding reception.

Former child actress Serena Dalrymple is now married to Thomas Bredillet

SERENA AND TOMAS’S LOVE STORY

Inanunsiyo ni Serena sa kanyang Instagram noong September 25, 2022 na ikakasal na sila ng kanyang fiancé na si Tomas.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Former child actress Serena Dalrymple to marry fiancé Thomas Bredillet next week

Sa nasabing post, ibinahagi niya rin ang kanilang love story.

Ayon kay Serena, 2018 sila nagkakilala ng boyfriend. Noong 2019, nagbakasyon naman sila sa Europe.

Taong 2020, nakabili sila ng bahay sa New Hampshire. Na-engage naman sila noong 2021. At ngayong taon, 2022, sila ay ikinasal na nga.

Hindi binanggit ni Serena kung ano ang nationality ni Thomas.

Buong post ni Serena: “A timeline:

“2018 – when we first met, also visited the Philippines [palm tree emoji] and we went to Banff [snow mountain emoji]

“2019 – our trip to Scotland and Paris [baguette bread emoji]

“2020- we bought a home and moved from New York to New Hampshire!

“2021 – we got engaged [ring emoji]

“2022 – we are getting married next week!!! [hearts emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Serena Dalrymple (@sdalrymple)

WHO IS SERENA DARYMPLE?

Sa bakuran ng ABS-CBN noong mid-‘90s sumikat si Serena bilang child actress.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa tumatak sa publiko tungkol sa kanya ay noong nakasama siya sa isang fastfood chain commercial.

Napabilang rin siya sa ilang mga patok na pelikula noon bilang child star.

Ilan sa mga ito ay ang Haba-baba-doo, Puti-puti-poo; ‘Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong; Tik Tak Toys My Kolokotoys; Bata, Bata.. Paano Ka Ginawa?; Ang Tanging Ina; at Wansapantaym The Movie.

Ang huli niyang ginawang pelikula ay Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!) kasama si Ai-Ai delas Alas noong 2010.

Kahit nasa tugatog ng kasikatan noon ang karera ni Serena, nag-lay low ito sa showbiz at tinutukan ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos siya ng Bachelor of Arts degree in Business Administration mula sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011.

Natapos naman niya ang kanyang post-graduate studies in International Business sa Hult International Business School sa London.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post David Icke interview with Mordechai Krispijn on anti-Semitism and freedom of speech
Next post More Than 100 Young People Hospitalised for Covid Fake Vaccine-Related Heart Problems in Ontari