Joyce Pring says non-believers will go to hell: “I honestly believe that I’ve done all the research.”

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang mga pahayag ng host na si Joyce Pring ukol sa kanyang paniniwala sa relihiyon.

Pinanindigan ni Joyce ang kanyang paniniwalang pupunta sa impiyerno ang sinumang hindi naniniwala sa Kristiyanismo.

Inihayag ni Joyce ang mga kontrobersiyal niyang pananaw sa kanyang October 8, 2022 podcast kasama ang content creator na si Wil Dasovich.

Sa usapang relihiyon, iginiit ni Joyce ang kanyang paniniwala na ang pagiging Christian lamang ang daan para makapunta sa langit.

Tanong ni Wil: “Do you believe a non-believer can go to heaven?”

Sagot ni Joyce: “A non-believer as in someone who doesn’t believe in Jesus? No. They’re gonna face judgment in hell.”

Sundot ni Wil: “What do they do in hell?”

Ani Joyce: “Suffer in eternity? Forever.”

Ayon kay Joyce, nagiging “honest” lang siya sa kanyang mga sagot.

JOYCE: “I’VE DONE MY RESEARCH”

Sa kanilang talakayan, kapansin-pansing matibay si Joyce sa kanyang paniniwala.

Sabi kasi ni Wil, wala raw bang “second chances” sa ibang tao na gustong magbago? Masyado raw kasing brutal ang paniniwala ni Joyce.

Pero ayon kay Joyce, “This is something that I really struggle with. I really wish there is some different answer to this, that, ‘Oh, anybody can go to heaven.’”

Paliwanag ni Joyce, kahit ang mga makasalanan ay nailigtas na dahil sa sakripisyo ni Hesus.

“And so the only thing that you have to really realize is accept that gift [Christianity],” dagdag niya.

Sabi pa ng host, kahit ang isang mamamatay-tao ay maaaring makapunta sa langit kung magsisisi ito.

Tanong ni Wil, pupunta ba sa langit ang isang mabuting taong walang ginawang masama pero hindi naniniwala sa Christianity?

Sagot ni Joyce: “If they don’t believe in Jesus, no.”

Kabig ng TV host, “I’m not judging anyone. This is just what I believe. It’s my personal belief.”

Sinabi ni Wil na hindi siya sang-ayon sa paniniwala ni Joyce.

Ibinigay pang halimbawa ni Wil ang isang tribo sa isang liblib na lugar na maaaring hindi namulat sa Kristiyanismo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ani Joyce, naniniwala siya na iyon ang trabaho ng mga mabuting Kristiyano, na ipakalat sa kanila ang “Gospel, the good news.”

Halatang hindi mababali ang paniniwala ni Joyce sa paksang ito.

Sabi niya: “I believe—with all of my heart—the Bible. I believe everything that’s written on it.

“And I honestly believe that I’ve done all the research and all my due diligence in understanding it from all aspects.”

Aniya, kahit ang mga nakasulat sa Bibliya na mahirap paniwalaan ay tinanggap niya.

Paglilinaw ni Joyce, may mga tanong na wala siyang sagot pero sigurado siya sa paniniwala niya sa kanyang relihiyon.

“I don’t judge anybody coz that’s not the call of Christians, but I do believe this is the truth.”

Pahabol ni Joyce, maaaring hindi magkasundo sa mga paniniwala pero puwede namang irespeto ang isa’t isa.

Mainit ang naging diskusyon ng netizens ukol sa mga pahayag ni Joyce.

Marami sa kanila ang di sang-ayon sa paniniwala ng host, pero may ilan ding sang-ayon sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba naman, nagkomentong hindi kailangang magpaapekto dahil opinyon ito ni Joyce.

Narito ang ilan sa mga komento:

joyce pring christianity

joyce pring christianity

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

joyce pring christianity

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Message To The Morons In Uniform – Your Fascism Will Return To Haunt You – David Icke Dot Connector
Next post ‘Biggest breakthrough I’ve seen’: AI creates Steve Jobs interview with Joe Rogan