Jowa reveal! Kapuso Atom Araullo posts couple photo with Kapamilya Zen Hernandez

Instagram official na ang news anchors na sina Atom Araullo at Zen Hernandez.

Si Atom ay 13 taong broadcaster sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA-7 noong 2017.

Si Zen ay nasa bakuran ng ABS-CBN hanggang sa kasalukuyan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-post si Atom ng sweet photo nila ni Zen sa kanyang personal Instagram account.

Hawak niya sa kanyang kamay ang printed copy ng candid shots nila ng dalaga mula sa isang photo booth.

“Happy 28th birthday po,” simpleng mensahe ni Atom para kay Zen.

COLLEAGUES AND NETIZENS REACTIONS

Bihirang ipakita ni Atom ang pribadong buhay niya sa kanyang social media account.

Kaya marami sa mga humahanga sa Kapuso broadcaster ang napa-react na “Tapos na ang pila!” dahil may napupusuan na ito.

Atom Araullo and Zen Hernandez

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Atom Araullo and Zen Hernandez

Pati ang mga kapwa broadcasters nina Atom at Zen na sina Karen Davila, Nina Corpuz, Pia Arcangel, Pinky Webb, at Steve Dailisan ay halatang natuwa sa “jowa reveal” ni Atom.

Atom Araullo and Zen Hernandez

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

LOW-KEY RELATIONSHIP?

Hindi naman kaila sa showbiz insiders na tila matagal na ang relasyon nina Atom at Zen.

Matatadaang noong 2021 ay pasimpleng tinukso ni Pinky ang dalawa nang makita niya ang mga ito na nagbabakasyon sa Balesin.

Sadyang low-key lamang sina Zen at Atom.

Pero sa mga pagtitipon kasama ng kanilang mga malapit na katrabaho ay kapansin-pansing magkasama ang dalawa.

Tulad na lamang noong June 2022, kunsaan kasama nilang mag-lunch ang mga kaibigan nila sa news industry mula sa iba-ibang istasyon.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Australia is a testing ground for what’s coming to the United Kingdom this winter
Next post Manufacturer Warns Pacemaker Recipients about EV Charging Stations, Electric Appliances and Fences, etc.