Joshua Garcia on possibly liking Bella Poarch: “Why not?”

Sinagot ng Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia kung may gusto rin ba siya sa Filipino-American singer na si Bella Poarch.

Noong Augut 16, 2022, sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN reporter MJ Felipe, inamin ni Bella na “biggest Filipino crush” niya si Joshua.

Read: Bella Poarch admits crush on Joshua Garcia: “We message a lot.”

Naungkat muli ito nang kapanayamin naman ni MJ si Joshua sa TV Patrol nitong Huwebes, August 18, 2022.

Ayon sa aktor, masaya siyang malaman na humahanga sa kanya si Bella.

“She posted me before sa TikTok account niya and nag-comment din ako dun. Nakakataba lang din ng puso.

“Masaya ako siyempre, I’m happy na may nagsu-support o humahanga sa akin,” pahayag niya.

Muling binalikan ni MJ ang naging pahayag ni Bella kung saan sinabi nitong crush niya si Joshua.

Hindi rin niya pinaligtas na ibalik ang tanong sa aktor: “Ikaw ba, crush mo ba si Bella?”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsahang sagot ni Joshua: “Tulad ng sabi ko, why not?”

Kinumpirma rin ng Darna leading man na matagal-tagal na silang nag-uusap ni Bella at nagpaplano na rin silang magkita.

Kuwento ni Joshua, “Nagkakausap kami. Before pa ng June ata, dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy yung Star Magic tour ko, kasi hindi ako nakasama.

“Tapos parang July daw ata pupunta siya pero hindi rin naman natuloy. Hindi natin alam.”

Dagdag pa niya, “Ngayon, we’re good friends. Ngayon, okay kami, magkaibigan kami.”

Pag-amin din ni Joshua, matagal at malalim na ang kanilang naging pag-uusap ni Bella.

Umaasa siyang magkikita rin sila ng TikTok superstar sa binabalak nitong pag-uwi sa Pilipinas sa Disyembre.

Sa huli ay nagpasalamat si Joshua kay Bella at tila hinamon niya itong magpakita.

Aniya, “Thank you, sana makita kita, magpakita ka sa akin. Tingnan natin, exciting.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Robots Takeover Domino’s New Supply Chain Center
Next post France to Introduce Biometric Health Cards