John Arcilla still dreams of having his own family: “Hindi naman ako baog.”

Sa kabila ng kanyang edad na 56, umaasa pa rin ang multi-awarded actor na si John Arcilla na magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Sa pambihirang pagkakataon ay ibinahagi ni John ang kanyang buhay pag-ibig sa latest vlog ni Ogie Diaz na in-upload sa YouTube noong Lunes, August 22, 2022.

Kuwento niya, “Nagkaroon ako ng dalawang seryosong relationship na almost nagkaroon ng family pero hindi natuloy.

“Hindi ako pinalad na [magka-baby] pero almost nandoon na.

“Nagkaroon sila ng desisyon na hindi ko kayang kontrolin. Tapos, meron pang isa ulit na non-showbiz.

“Siguro may ibang plano sa akin ang Diyos.”

Pangarap pa rin ba niyang magkaroon ng sariling pamilya?

Mabilis na sagot ni John, “Oo naman, tsaka kayang-kaya pa naman. Kayang-kaya pa talaga.”

Ngunit dahil sa responsibilidad niya sa mga pamangkin niya at dahil sa kanyang kasalukuyang edad, may takot daw siyang magkapamilya pa.

Saad niya, “Sa dami ng responsibilidad mo ngayon, parang natatakot ka na.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Tsaka sa age bracket ko, parang nagdadalawang-isip na rin ako, although gusto ko pa rin.

“Walang problema. Hindi naman ako baog, e.”

Ang pinagtutuunan daw muna niya ng atensiyon ngayon ay ang kapakanan ng kanyang mga pamangkin at apo.

Kinumusta rin ni Ogie ang estado ng puso ngayon ni John.

Aniya, “Masaya ako [dahil] and daming mga blessings, ang daming accolades, ang daming recognitions.

“Maraming challenges pero alam ko na siyang i-hurdle.”

Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan kamakailan—ang sunud-sunod na pagpanaw ng ilang mahal niya sa buhay dahil sa COVID-19—naniniwala si John na ang lahat ng pagsubok na darating pa sa buhay niya ay kayang-kaya na niyang harapin at lagpasan.

Read: John Arcilla devastated over death of 10 loved ones in a span of one year

Pahayag ng aktor, “Ayokong isipin yung mga posibleng dumating na hindi mo puwedeng kontrolin, kagaya nung may mawawala sa ‘yo, whether you like it or not, na mahal mo sa buhay.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto kong isipin na kakayanin ko iyon. Natural lang iyon kasi ako rin, darating din yung panahon ko, na ako rin yung mawawala.

“I-enjoy ko na lang while it lasts. Na nandiyan ang mga mahal ko sa buhay and prepare myself na darating ang panahon na mawawala rin talaga sila.”

Dagdag pa ni John, “Habang nabubuhay tayo, sinasabi ko sa puso ko na mag-enjoy na lang, magmahalan na lang.”

READ MORE:

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Delisted by Google
Next post Needless jabs – the death penalty for thousands