Joanne Villablanca, Derek Ramsay’s ex-girlfriend, is now engaged

Engaged na ang health, wellness, at fitness enthusiast na si Joanne Villablanca sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gage Veridiano.

Read: Joanne Villablanca: Living a life most girls dream of

Si Gage ay isang professional diver at scuba instructor.

Sa kanyang Instagram kahapon, October 12, 2022, ibinahagi ni Joanne ang masayang larawan niya at ng fiancé na si Gage.

Makikitang tinakpan ni Joanna ng kanyang kaliwang kamay ang bibig ng nobyo, at kapansin-pansin ang suot niyang engagement ring.

Caption lang ni Joanne ay isang ring emoji.

View this post on Instagram

A post shared by Joanne Villablanca (@villablancs)

Bumaha naman ng pagbati sa comments section mula sa celebrity friends ni Joanne.

Kabilang sa kanila sina Adrian Alandy, Valeen Montenegro, Jackilou Blanco, Danita Paner, Hannah Pangilinan, Charee Pineda, Bubbles Paraiso, at Bryan Revilla.

Joanne Villablanca engagement

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Joanne Villablanca engagement

Noong May 16, 2022 ay ipinagdiwang nina Joanne at Gage ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

View this post on Instagram

A post shared by Gage Veridiano (@mrdivepro)

Si Joanne ay dating girlfriend ng aktor na si Derek Ramsay.

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nila—mula 2013 hanggang 2019.

Inakala ng karamihan na si Joanne na ang makakatuluyan ni Derek, pero naghiwalay sila noong June 2019 sa hindi isinapublikong dahilan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Derek Ramsay opens up about breakup with Joanne Villablanca

Maiksing pahayag ni Joanne tungkol sa hiwalayan nila ni Derek noong June 6, 2019, “Yes, we’re not together na po. Sorry, but I’d rather not comment about the break up…”

Read: Joanne Villablanca confirms split with Derek Ramsay

Pagkumpirma ni Derek, “Yes, we have broken up. It’s all for the best.”

Read: Derek Ramsay admits breakup with longtime girlfriend Joanne Villablanca

Ngayon ay kasal na si Derek sa aktres na si Ellen Adarna.

Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna are now married

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Company Recalls Nearly All Electric Vehicles Due to Defect that “could lead to a loss of steering control”
Next post Amsterdam must apologize to Mr. David Icke