Jo Koy, Chelsea Handler announce breakup

Hiwalay na ang magkasintahang sina Jo Koy at Chelsea Handler.

Si Jo Koy, Joseph Glenn Herbert sa tunay na buhay, ay Filipino-American stand-up comedian na kilala internationally.

Si Chelsea ay isa namang American comedian, host, producer, at actress.

Sa Instagram ngayong araw, July 19, 2022, inanunsyo nina Chelsea at Jo Koy na nagwakas na ang kanilang relasyon bago pa nila ipagdiwang ang una sana nilang anibersaryo ngayong araw.

Unang nag-post si Chelsea sa Instagram ng isang pre-recorded video kasama si Jo Koy.

Dito ay masaya nilang inanunsiyo ang kanilang first anniversary at pinag-usapan din nila kung ano ang kanilang mga natutunan sa nagdaang taon.

Pero sa caption ay sinabi ni Chelsea ang kanilang desisyong “to take a break from our relationship right now.”

Mensahe ni Chelsea (published as is): “In anticipation of celebrating our first year together, Jo and I recorded this video early, but as many of you have noticed, it is with a heavy heart to announce that we have decided together that it is best for us to take a break from our relationship right now.

Continue reading below ↓

“I know many of you were invested in our love, and I wanted to express to you how much that meant to both of us. How much it still means. And how much I now believe in love for each one of us.”

Pinasalamatan naman ni Chelsea si Jo Koy dahil binago raw nito ang kanyang pananaw sa buhay.

Saad niya, “This man blew my heart open with love and because of him, my life experience has changed forever. To be loved and adored by @jokoy has been one of the greatest gifts of my life. He renewed my faith in men, in love, in being 100% who I am, and I’ve never been more optimistic for the future.

“Jo- you blew my creativity open, my lust for working hard again, being on the road again, and you reminded me who I was and always have been, and my feet have never been more firmly planted in the ground.”

Continue reading below ↓

Naniniwala rin daw si Chelsea na hindi ito ang huli, bagkus ang bagong simula, para sa kanila ni Jo Koy.

“This is not an ending. It’s another beginning, and it’s a comfort to know that I am still loved and love this man the way the sun loves the moon and the moon loves the sun.”

Dagdag pa niya, “YOUR PERSON IS COMING.”

Hiling din niya sa kanilang fans na patuloy pa rin silang suportahan kahit hindi na sila.

Hindi rin nito nakalimutan ni Chelsea na i-promote ang bagong movie ng kanyang dating kasintahan.

“So, please continue to root for both of us, because you never know what life will bring, and let’s first start by all going to the theater on August 5th to buy tickets to Jo’s new movie EASTER SUNDAY and Filipino PRIDE! Let’s go!”

Continue reading below ↓

Sa isang hiwalay na mensahe ay pinapurihan ni Jo Koy si Chelsea nang mag-upload siya ng picture nila sa kanyang Instagram account kalakip ang balita ng kanilang hiwalayan.

Ayon kay Jo Koy ay mananatili silang magkaibigan ni Chlesea.

“Just want everyone to know that Chelsea and I will always remain great friends and will always have love for one another.

“I’m her biggest fan and I can’t wait for you all to see what she has in store for the future. Keep killing it Chelsea! Mahal kita!” sabi ng Fil-Am comedian.

Continue reading below ↓

Base sa kani-kanilang mensahe, mukhang maayos ang naging paghihiwalay ng dalawa, ngunit hindi nila idinetalye kung ano ang dahilan.

Noong September 2021 ay isinapubliko nina Jo Koy at Chelsea ang kanilang relasyon.

Ayon sa kanila, matagal na silang magkakilala at magkaibigan bago pa sila maging magkasintahan.

Madalas din noon ang pagge-guest ni Jo Koy sa talk show noon ni Chelsea na Chelsea Lately.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post War on Food: Beijing’s Influence Group Seeks Partnership With State Agricultural Officials, After Teaming Up With Bill Gates for Years
Next post Sanctions are working: Ruble hits near 2-year high against euro